Press "Enter" to skip to content

Doktor, Bakit Sinabing Huwag Maniwala Sa Luha Ni Megastar Sharon Cuneta?

Trending ang Facebook post ni Dr. Chao-Tiao Yumol laban sa naging pahayag ni Megastar Sharon Cuneta na baka sakaling bumalik ang pagka-disente ng karamihan sa atin kung si Vice President Leni Robledo ang magiging susunod na presidente ng bansa.

Kinabukasan ang nakasalalay dito

Nagpaalala si Yumol na huwag basta maniniwala sa mga luha ni Sharon Cuneta dahil isa siyang beteranang aktres at sa isang iglap lang ay kaya niyang magpakawala ng luha. Hayagan din ang patuloy na pagsuporta ng doktor kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag ni Dr. Yumol sa Facebook,

“Kinabukasan natin ang nakakasalalay dito, huwag tayong magpadikta sa opinyon ng isang artista kung ano ang disente at ano ang hinde.”

Doktor, Bakit Sinabing Huwag Maniwala Sa Luha Ni Megastar Sharon Cuneta? 2
Photo Credit: Chao-Tiao Yumol

Dagdag pa niya,

“PARA IDIKTA MO SA AMIN NA YANG MGA DILAWAN NA SINUSUKA NAMIN ANG SUSI SA PAGKADISENTE AT GUSTO MO IBALIK SA PWESTO ANG MGA YAN, ABAH MAGKAKAPROBLEMA KA. Baka nalilimutan mo na 16 million kameng bumoto kay Tatay Duterte at kaya kame bumoto sa kanya ay dahil ayaw na naman ng MAPAGKUNWARING DISENTE. Kung si Leni Robredo ang basehan ng pagkadisente ng bansang ito, di bale ng huwag niyo akong tawaging disente.”

Reaksyon ng netizens sa opinyon ng doktor

Lagpas limang libo ang mga komento ng nasabing post. Marami ang sang-ayon sa pahayag ng doktor. May ilan rin namang naging balanse ang opinyon. Kilala si Dr. Yumol sa pagsisiwalat sa mga nakikita niya sa mga pulitiko partikular sa Lamitan, Basilan kung saan nagbibigay siya ng libreng serbisyong medikal para sa mga tao roon.

Doktor, Bakit Sinabing Huwag Maniwala Sa Luha Ni Megastar Sharon Cuneta? 3
Photo Credit: Chao-Tiao Yumol

Unang hinayag ni Dr. Yumol ang paghanga niya kay Megastar. Sinabi niyang halos sambahin niya ang galing nito sa pag-arte at pag-iyak.Pabor din naman ang doktor sa paninidigan ng anak ni Shawie ni Frankie Pangilinan na hindi dapat sisihin ang biktima kung bakit siya ay narape.

Instagram live ni Megastar

Mapapanood dito ang naging Instagram (IG) live Sharon Cuneta noong Hunyo 29. Makikita na naging emosyonal ang aktres sa nasabing IG live.

Doktor, Bakit Sinabing Huwag Maniwala Sa Luha Ni Megastar Sharon Cuneta? 4
Photo Credit: Chao-Tiao Yumol

Naghayag si Sharon ng kanyang mga saloobin sa iba’t ibang bagay. Ang iba ay tungkol sa naging isyu kamakailan sa kanya at kanyang pamilya. At ang isyu politikal na kung saan inihayag ni Megastar ang pagsuporta kay VP Robledo kung tatakbo ito bilang pangulo ng bansa.

Narito ang kabuuan ng post:

Nakita ko na si Sharon Cuneta sa personal once, nagtetaping siya sa Malate para sa movie nila ni Aga muhlach. Syempre…

Posted by Chao-Tiao Yumol on Wednesday, July 1, 2020

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: