Press "Enter" to skip to content

Doktor Hinostage Ng Pasyente Sa Hospital Ng East Avenue!

Isang doktor ang nagawang i-hostage ng isang pasyente na kaniyang ginagamot sa hospital ng East Avenue sa Quezon City. Ang suspek na 51 anyos ay isinugod sa emergency room ng araw na iyon dahil sa isang aksidente.

Ang suspek

July, 1- Ang suspek na siyang ng hostage sa doktor sa hospital ng East Avenue ay kinilalang si Hilarion Achondo na 51 anyos. Ang pang-hostage ay naganap nito lamang Martes alas singko madaling araw sa emergency room kung saan nagpunta ang nasabing suspek.

Ang Suspek- Security Guard
Photo Credit: Youtube

Si Hilarion ay nagpunta sa hospital matapos magtamo ng injury dahil sa isang aksidente sa motorsiklo.

Ang pag-hostage

Ayon sa ulat ng mga awtoridad ang suspek ay nagpunta sa nasabing hospital alas dos ng madaling araw upang magpagamot dahil sa natamo nitong injury. Nagtungo ang kaniyang doktor sa emergency room alas singko ng madaling araw upang ito ay i-check, nang bigla na lamang agawin ni Hilarion ang syringe at itinutok sa leeg ng doktor.

Pag-hostage- Security Guard
Photo Credit: Youtube

Agad naman rumesponde ang mga police na naroon sa nasabing hospital nang makita ang nangyari at sinubukan na makipag negosasyon sa suspek, makalipas ang ilang minuto ay pinakawalan naman nito ang doktor.

Resulta ng negosasyon

Samantala, hindi naman humingi ang suspek ng kahit na ano sa naging negosasyon at ligtas naman na pinakawalan nito ang nasabing doktor, dahil na din sa maayos na pakikipag-usap ng police staff na si Sergeant Bienvenido Ribaya III.

Resulta- Security Guard
Photo Credit: Youtube

Aniya,

“‘Yung paglapit ko sinabi ko ‘di kami kalaban, nandoon kami para tulungan po siya. Nagtuloy-tuloy lang po ‘yung pag-uusap namin hanggang sa napakalma po siya,”

Ang kaso

Samantala, sinabi naman ni Ribaya na ang insidente ay isang isolated case lamang, ngunit patuloy pa din ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyari. Ang suspek ay nahaharap naman sa kasong grave coercion, alarm and scandal, at grave threat ayon kay Ribaya. Sinabi pa nito na mahigpit din umano ang seguridad ng kanilang hospital kaya’t walang nakuhang armas sa loob ang suspek.

Ang Kaso- Security Guard
Photo Credit: Youtube

Aniya,

“Ito naman po ay isolated case, hindi naman po ito madalas na nangyayari, puwede po maulit-ulit pero hopefully po sana hindi na,”

Sa ngayon ay inaalam pa kung ano ang naging motibo ng suspek sa ginawang pang-hohostage.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: