Press "Enter" to skip to content

Doktor Nahawahan Ng COVID-19 Dahil Sa Sinungaling Na Pasyente

Isang doktor ang nalagay ang buhay sa panganib nang mahawaan ng virus nang kaniyang naging pasyente. Ito ay dahil hindi umano ito nagsabi ng totoo nang siya ay tanungin tungkol sa kaniyang travel history.

Ang doktor

April 27- Si Doctor Christine Joy Castillo ng VRP Medical Center ang doktor na na-exposed sa isang pasyente, na isa pa lang COVID19 infected. Ito ay naconfine sa Intensive Care Unit (ICU) ng mahigit dalawang linggo, ayon sa kaniyang naging panayam.

Ang doktora na nahawaan.

Kwento ng doktora inuubo umano ang nasabing pasyente nang ito ay dalhin sa nasabing hospital. Bago pa man nila ito bigyan ng paunang lunas ay ilang beses di umano nila itong tinanong kung ito ay nagkaroon ng travel history kung saan maari itong nahawaan ng nasabing virus, ngunit ito ay hindi nagsabi ng totoo.

Nahirapan huminga

Dagdag pa niya hindi lamang siya ang nahawa, kundi pati na din ang tatlo nilang staff na siyang umalalay sa kaniya nang kanilang lagyan ng tube ang pasyente. Ito ay dahil sa nahihirapan ng huminga nang dalhin doon.

Ang doktora na nahawaan.

Sa kabilang banda bumubuti naman na ang lagay ng kaniyang mga staff maging ng doktora. Sa katunayan ito ay nagsimula ng mag-ehersisyo bagay na din na makakatulong sa mabilis na pagpapalakas ng kaniyang resistensya. Siya din umano ay sabik nang bumalik sa kaniyang serbisyo bilang isang frontliner. 

Layunin

Sa kabila ng hirap na kaniyang pinagdaanan ay nais pa din ipagpatuloy ng doktora ang kaniyang layunin na tumulong sa pag gagamot ng mga tao pati na din sa pagpuksa ng COVID-19. Sa katunayan mas naging motivated pa ito dahil sa kaniyang naranasan.

Ang doktorang nasabing nahawa.

Kaugnay nito ay nanawagan din naman ito sa lahat ng mga pasyente na kung maari ay magsabi ng katotohanan tungkol sa kanilang mga previous history. Ito ay upang hindi na lumala pa ang sitwasyon o makahawa pa ng iba.

Mga frontliners

Sa sitwasyong ito ay huwag naman maging makasarili, isipin din natin ang ating mga frontliners na nag bubuwis buhay upang makatulong sa paglunas ng nakakakilabot na sakit na ito.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: