Press "Enter" to skip to content

DOLE: Employer Na Di Tama Ang Pasahod Maaring Pa Rin Mag Apply Sa CAMP

Noong Sabado, ipinahayag ni DOLE (Department of Labor and Employment) Secretary Silvestre Bello III na ang dahilan sa pagkaantala ng kanilang programang CAMP ay ang nabinbin na pagsusumite ng payroll ng mga employer. Ito ay dahil sa takot ng mga employer na makitaan sila ng paglabag sa pasuweldo ng mga empleyado.

Ang panawagan

Wika ni Bello, “Kung ano man ang pagkakamali ninyo—na diperensya sa payroll ninyo—’wag na kayong matakot. We will recommend to the President amnesty para hindi na kayo habulin dahil hindi kayo nag-report sa BIR (Bureau of Internal Revenue), SSS (Social Security System), PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation), at Pag-IBIG.”

DOLE: Employer Na Di Tama Ang Pasahod Maaring Pa Rin Mag Apply Sa CAMP 2
Payroll

Matatandaang inihayag ng DOLE noong Marso ang pinansyal na ayuda na kanilang tulong sa mga manggagawa ng pormal na sektor na natamaan ng enhanced community quarantine.

Ang ayuda ng gobyerno

Ang CAMP (COVID Adjustment Measures Program) ay programa ng DOLE na kung saan ay magbibigay sila ng one-time ₱5,000 na tulong sa mga hindi nakapagtrabaho dahil sa quarantine. Isa sa mga kailangan isumite ng employer ay ang payroll ng empleyado. Winika din ni Bello na nagkaroon sila ng pagbabago sa requirements ng CAMP.

DOLE: Employer Na Di Tama Ang Pasahod Maaring Pa Rin Mag Apply Sa CAMP 3
Pinoy Construction Workers

Sabi ni Bello, “Before, payroll ang ni-rerequest namin. Pero ngayon, to liberalize the requirement, sabi namin — na pwede nang payslip; pwede nang logbook; pwede nang ledger… Just any evidence ng any empleyado na hindi nakapagtrabaho dahil nga naka-quarantine.”

Mga natitirang hakbang

Noong April 15, itinigil ng DOLE ang pagtanggap ng aplikasyon sa CAMP mula ng makatanggap sila ng higit sa isang milyon na aplikante at sila ay lagpas na sa budget. Sa tala ng DOLE, sila ay nakatulong na sa 237,653 na manggagawa ng pormal na sector, na aabot na sa ₱1.2 bilyon. Sila ay nakatingin pa sa pagbibigay ng ayuda sa 231,975 na empleyado.

DOLE: Employer Na Di Tama Ang Pasahod Maaring Pa Rin Mag Apply Sa CAMP 4
Pinoy Workers

Idinagdag din ng DOLE na kasalukuyan silang nag eendorso kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez ng mga empleyado na hindi na kaya pang pagbigyan ng DOLE dahil lumagpas na sila sa budget. Si Dominguez ang namamahala sa 50.8 bilyon na tulong pinansyal sa mga empleyado ng small businesses.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: