Press "Enter" to skip to content

DOLE, Magbibigay Ng P20k Cash Assistance Sa Mga Returning OFWs Na Nais Magnegosyo

Isa sa mga recovery plans ng gobyerno ay ang pagbibigay ng business capital sa mga returning OFW sa bansa. Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III.

Maliit na negosyo

Dulot ng kumakalat na pandemic sa buong mundo, maraming Pinoy na nagtatrabaho abroad ang nadisplace. Kaya naman, naglabas ng programa ang gobyerno para sa mga returning OFW na direktang naapektuhan ng Covid-19. Maaaring mag-avail ng P20, 000 cash assistance ang isang returning OFW para makapagtayo ng maliit na negosyo bilang panimula.

DOLE, Magbibigay Ng P20k Cash Assistance Sa Mga Returning OFWs Na Nais Magnegosyo 2

Ayon kay Bello, ito ay inihanda ng gobyerno para sa inaasahang maraming OFW na mapapauwi sa bansa. Ang target ng programa na ito ay ang mga OFW na nastranded at nadisplace.

“Our immediate program is livelihood assistance and we will focus on returning and stranded OFWs. We will be giving them livelihood projects… OFWs are our main target,”

Cash assistance program

Ang mga OFW na interesado na mag-avail sa programang ito ay inaanyayahan na magpresenta ng kanilang business proposal sa DOLE para sa funding. Sakaling maaprubahan, maaaring makapagpondo ang gobyerno ng hindi hihigit sa P20, 000 bawat isang tao bilang kapital sa negosyo.

DOLE, Magbibigay Ng P20k Cash Assistance Sa Mga Returning OFWs Na Nais Magnegosyo 3

Kung sakaling mas higit pa sa P20, 000 ang kakailanganin ng isang OFW, maaaring mag-grant ng loan ang DOLE nang walang kaakibat na interes.

Returning OFWs

Ayon sa datos ng DOLE 25,000 na OFW na ang bumalik sa bansa. Inaasahan ang higit 40,000 pa na OFW ang uuwi sa Hunyo. Sa kabilang banda, mayroong 2,360 na mga Pinoy abroad ang nagkaroon ng covid-19 ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kalagayan ng mga Pinoy abroad

Liban pa diyan, may karagdagang 30 na kaso ang naitala mula sa America, Europe, at Asia Pacific. Limang bagong kumpirmadong OFW ang pumanaw na syang bumubuo na sa bilang na 274 fatalities. Naitala naman ang bagong 35 recoveries overseas. 824 na OFWs na ang nadischarge sa ospital at 1,262 pa din ang kasalukuyang nagpapagaling.

Source: Philstar Global

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: