Press "Enter" to skip to content

DOLE: Mahigit 10-Milyon Ang Maring Mawalan Ng Trabaho Bunsod Ng COVID-19

Last updated on May 23, 2020

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng mawalan ng trabaho sa loob ng isang taon ang aabot sa 10 milyong manggagawa dahil sa Covid-19 pandemic.

Pagsasara ng ibang negosyo

Ayon kay Labor Secretrary Silvestre Bello III, tinatayang nasa 2.6 milyong manggagawa na ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pansamantalang pagpapasara ng ilang mga negosyo at establishimentong apekto ng Covid-19 krisis.

DOLE: Mahigit 10-Milyon Ang Maring Mawalan Ng Trabaho Bunsod Ng COVID-19 2
Photo credits: GMA Network

Paglilinaw ng kalihim,

“Karamihan po ‘yan sa service sector. Malaki po ang tourism, ‘yung allied businesses like restaurants, then transportation.”

Sinang-ayunan naman ito ni Senador Ralph Recto ang bilang na nabanggit ni Bello ukol sa job losses dahil 50% ng mga manggagawa lang ang pinapayagang pumasok sa trabaho sa ngayon.

Kinakaharap na krisis

Sa parehong Senate hearing, nasabi naman ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na walang kinita ang industriya ng turismo sa bansa noong Abril dahil sa kawalan ng tourist arrivals. Inaasahan nito ang pagbagsak ang kita na aabot sa 50% sa sektor ng turismo. Ayon sa kanya, 5.4 milyong Pilipino o 15% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa sa bansa ay nagtatrabaho sa industriya ng turismo.

DOLE: Mahigit 10-Milyon Ang Maring Mawalan Ng Trabaho Bunsod Ng COVID-19 3
Photo credits: GMA Network

Kahit nasa kasagsagan ng krisis, sinabi naman ni Bello na patuloy ang pagpapalawig ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para matulungan ang mga mawawalan ng trabaho. Tuloy din ang pamamahagi ng ahensya sa mga informal workers sa pamamagitan ng COVID-19 Adjustment Measures Program, kung saan makakakuha ng ₱5,000 ayudang pinansyal ang bawat manggagawa.

Proyekto para makatulong

Samantala, nais ng DOLE na buksang muli ang operasyon ng pending infrastructure projects para makapagbigay ng trabaho. Ani nito, nkikipagipagpulong na sila sa mga pinuno ng construction industry at sinabi nilang dadagdagan nila ang bilang ng kanilang mga manggagawa ng 10% hanggang 20% sa pag-uumpisa ng operasyon.

DOLE: Mahigit 10-Milyon Ang Maring Mawalan Ng Trabaho Bunsod Ng COVID-19 4
Photo credits: Rappler

Ayon kay Bello,

“We have talked to the leaders of the construction industry that when they start implementing these contracts, they should increase their workers by 10 percent to 20 percent.”

Humingi rin ang DOLE ng karagdagang ₱40 bilyon mula sa Kamara upang patuloy na mapondohan ang mga proyekto nito.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: