Browse By

DOLE Pinag-iisipan Ang OFW Ban Sa Saudi Arabia

Humingi ng pahintulot si Labor Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte para ikonsidera ang posibilidad na pagpapatigil sa pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Kingdom of Saudi Arabia (KSA) dahil sa 4.6 billion piso na unpaid wages.

Isa sa may pinaka maraming populasyon ng OFW ang bansang Saudi at sila rin ang pinaka malaking pagkuha ng trabahante dito sa Pilipinas.

Photo Credit: Google

Mahigit labing isang libo na OFWs ang pinauwi na sa Pilipinas na hindi pa rin nababayaran ang sahod mula noong 2016.

Sinabi ni Bello na gumastos ng halos tatlong bilyong piso para mapauwi ang ating mga kababayan. Bago ang pagpapauwi sa ating mga kabayan, sa tulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) nagpadala muna ng abogado ang DOLE para mahabolin ang claims ng ating mga OFW.

Ayon din sa kalihim, taong 2016 pa ito, kaya dapat ng bigyan pansin ito ng bansang Saudi Arabia dahil sa mayroon ng desisyon na kailangan bayaran ang ating mga OFW pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nababayaran.

Photo Credit: Google

At dahil dito napag pasyahan ni Sec. Bello na gumawa ng hakbang. Aniya kung hindi sila babayaran, hindi na natin kailangan pang magpadala ng overseas worker sa kanila.

Nagbaba na rin ng direktiba ang kalihim sa Overseas Worker Welfare Administrator (OWWA) Chief Hans Leo Cacdac at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) head Benard Olalia ang pag aaral sa posibilidad ng deployment ban.

Source: Philippine News Agency

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *