Browse By

Dolomite Beach Sa Manila Bay, Muling Binuksan!

Binuksan na nga sa publiko noong Sabado, Oktobre 16, 2021 ang Manila Bay Dolomite Beach kasabay sa pag-downgrade ng National Capital Region quarantine  alert status mula level 4 to alert level 3.

Ayon sa report ni Jhomer Apresto sa Super Radyo dzBB, na maaring pumasok ang 300 hanggang 500 ka-tao sa loob ng sabay, at para masiguradong nasusunod ang minimum health protocols ay naroroon din ang presensya ng mga kapulisan at DENR upang masigurado ang pagpapatupad nito.

Photo credits: MSN.com/Danny Pata 

Dinagsa ng mga tao

Ayon sa report, marami ang nag-aabang sa muling pag-bubukas ng dolomite beach, ngunit para mapanatili ang siguridad, pinagbabawal padin pumasok ang mga walang facemask at facesheild sa loob. At pinapayagan din ang mga tao manatili sa loob basta nasusunod pa rin ang social distancing at ang kapasidad na 300-500 ka-tao lang ang pwedeng manatili sa loob ng sabay.

Bawal din magdala ng mga pagkain at inumin sa loob ng beach, habang ang mga bata naman ay pwedeng pumasok basta papayagan ng Inter-Agency Task Force(IATF).

Photo credits: Screengrab DZBB Super Radyo Twitter

Source: DZBB Super Radyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.