Last updated on July 25, 2020
Mathinik ka ba? Mahilig sa agham o siyensiya? O gustong matuto nito? Maging happy ka na kahit hindi magbukas ang eskwela, dahil may matutunan ka kahit nasa bahay ka muna.
DOST nag handa sa new normal
Sa panayam ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña sa programang Laging Handa public briefing, ay sinabi niya na may inihanda ng DOST para sa “new normal” at ito ay ang STEM Learning na ipalabas via RadyoEskwela at TuklaSiyensya sa Eskwela.

Ano ang STEM Learning
Ang Science, Technology, Engineering and Mathematics Education Program (STEM), ay nag fo-focus sa science and mathematics-oriented curriculum devised para sa mga high school sa Pilipinas.
Kadalasan mga Regional Sciences High Schools ang nag offer nito, kung saan ang mga DOST Scholars ay doon nag aaral. Sa kasalukuyan meron lang 110 High Schools na nag o-offer ng STEM learning sa bansa, at halos lahat nito ay public schools.

Kolaborasyon
Mag collaborate ang DOST sa DepED para mas ma-enhance pa ang Science, Technology, Engineering and Mathematics or STEM learning sa elementarya. Kaya ipapalabas ng DOST ang STEM Learning sa RadyoEskwela sa Siyensya para sa mga elementary students. Habang ang TuklaSiyensya sa Eskwela programs na palabas ay para sa mga High School.
Magdadag ito sa mga pagpipilian ga mga estudyante ngayon limited o ipinababawal pa ang physical learning, dahil radio based ang mga programa. Kaya malaking tulong ito sa mga estudyante na hirap sa internet.
Radio Programs
Ang RadyoEskwela sa Siyensya ay story-based science lessons, kaya mas naging interesting at nakakaaliw sa mga mag aaral. Samantala ang TuklaSiyensya sa Eskwela naman, ay para sa mga junior at senior high school students. Aabot sa 20-30 mins ang bawat palabas.

Mga Scientist ang gagawa at affordable
Ang mga modules ay gagawin sa loob ng DOST’s nuLab, at ang mga batang scientists at scholars sa ahensya, na maging facilitators din sa programa, ang gagawa ng mga learning materials. At may Teachers’ Guide din na ibibigay para mas madaling e turo sa mga facilitators.
Aasahang mapupuno ng nakakaenganyong presentations, process demonstrations, animations, and post viewing activities ang mga materials. Upang mas madagdagan ang interest ng mga estudyante sa pag aaral ng STEM learning.

Ang mga learning materials ay pwedeng idownload at kunin sa mga offices ng DOST sa Regions at Probinsya. Ilan sa mga topics ng RadyoEskwela ay Mikrobyo, Lutang, Insekto, Pagsukat, Tala, Street Food, and Tubig.
Handa na ang mga learning materials at maari nang ibigay para sa Agusto na pasukan. Kaya exciting ang dala ng DOST para sa mga estudyante ngayong may pandemya.
Source: Philippine News Agency
Be First to Comment