Press "Enter" to skip to content

DOTr: 30% Ng Transportasyon Ang Maaring Bumiyahe Kapag Maipatupad Ang Modified ECQ

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, sa oras na maipatupad ang modified enhanced community quarantine (ECQ) ay maaring payagan na bumiyahe ang 30% na pampublikong transportasyon sa buong Metro Manila.

Pag-aaral

Kasalukuyang pinagaaralan ng DOTr kung maaring payagan na bumiyahe ang LRT, MRT at mga bus sa oras na alisin na ng tuluyan ang ECQ. Kasunod rito, pipiliin rin umano ng pamahalaan kung sino muna lamang ang papayagan na makapag-trabaho.

DOTr: 30% Ng Transportasyon Ang Maaring Bumiyahe Kapag Maipatupad Ang Modified ECQ 2
PHBUS

Dagdag pa ni Tugade, kung sakaling hindi naman raw sumapat ang mga papayagang sasakyan para sa mga taong makakapagtrabaho, gagamitin umano ang sasakyan ng gobyerno.

Social distancing

Sa oras naman na mapagdesisyunan na papayagan ang ilan na makapag-trabaho at mayroon ng transportasyon, mahigpit pa rin umano na ipapatupad ang social distancing sa mga bus, LRT, at MRT. Ito ay para masiguro pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng lahat dahil hindi pa naman tuluyang nawawala ang COVID-19 sa bansa.

DOTr: 30% Ng Transportasyon Ang Maaring Bumiyahe Kapag Maipatupad Ang Modified ECQ 3
Rappler

Magiging magandang balita naman ito sa mga mapipili ng gobyerno na makapagtrabaho matapos ang mahigit isang buwan na no work no pay. Matatandaan ang hirap ng sitwasyon ng mga apektado ng ECQ sapagkat hindi naman raw lahat ay nabibigyan ng suporta ng gobyerno o ng kanilang lokal na pamahalaan.

Matinding pag-iingat

Sa ngayon, hindi pa rin tiyak kung tuluyan ng ipapatupad ang modified enhanced community quarantine. Habang dumaraan ang mga araw, tumataas rin ang bilang ng mga kumipirmadong kaso ng virus sa bansa. Kung sakali man na maipatupad ito, pinapa-alalahanan pa rin ang lahat na mag-doble ingat at panatilihing malusog ang kanilang pangangatawan.

Source: Abante News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: