Press "Enter" to skip to content

DOTr, Ipinatupad Ang Pagsusuot Ng Face Shield Para Sa Mga Pasahero

Last updated on August 12, 2020

Maliban sa face mask, obligado na rin sa pagsusuot ng face shield ang mga pasahero ng anumang pampulikong transportasyon ayon sa inilabas na utos ng Department of Transportation (DOTr).

Pahayag ng DOTr

Mula Agosto 15, ang lahat ng mga commuters ay kinakailangan nang magsuot ng face shield.

DOTr, Ipinatupad Ang Pagsusuot Ng Face Shield Para Sa Mga Pasahero 2
Source: SunStar Cebu

Nagpahayag ang ahensiya sa kanilang official Facebook account noong Miyerkules, Agosto 5 na naglabas sila memorandum circular noong Martes, Agosto 4 ukol sa pagsusuot ng face shield.

Lahat ng kawani at sektor

Ang mandato ay ipapatupad ng mga opisyales ng lahat ng mga kawani at sektor ng transportasyon sa kanilang mga nasasakupan kung saan pinahihintulutan ang pampublikong transportasyon. Kabilang dito ang mga aviation at airports, railways, road at ang mga maritime sectors.

DOTr, Ipinatupad Ang Pagsusuot Ng Face Shield Para Sa Mga Pasahero 3
Source: Department of Transportation – Philippines

Ipinahayag din ng DOTr na hangarin ng kautusan na mabawasan ang posibilidad na kumalat ang COVID-19 virus sa mga pampublikong sasakyan.

Pag gamit ng face shield

Sa ibinahaging kaalaman ng mga kinauukulang pangkalusugan, ang pag gamit umano ng mga face shields at masks ay nakakadagdag proteksyon laban sa mga respiratory droplets.

DOTr, Ipinatupad Ang Pagsusuot Ng Face Shield Para Sa Mga Pasahero 4
Source: One News

Sa pahayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade, hinihiling niya na hwag sanang isiping dagdag suliranin na naman ito sa mga gastusin.

“Sa mga kababayan ho natin, huwag sana nating isipin na panibagong gastusin o dagdag abala ang pag-require natin sa paggamit ng face shield. Let us remember that no amount of protection is too much when it comes to health and safety, especially that we are battling an invisible enemy. What we are addressing is not a transport issue but rather a health issue. Kaya nga ho hinihingi ko ang kooperasyon ng bawat isa.”

Social distancing at sanitation

Kasabay naman ng pagsunod sa direktiba, patuloy pa ring ipinapatupad ang striktong pagsunod sa social distancing at sanitation protocols.

DOTr, Ipinatupad Ang Pagsusuot Ng Face Shield Para Sa Mga Pasahero 5
Source: SunStar Cebu

Hinihiningi nila ang considerasyon at koopersyon ng bawat mamamayan bilang paglaban sa pandemya.

Source: One News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: