Press "Enter" to skip to content

DOTr: Libreng Transportasyon Sa Mga Frontliners, Umarangkada Na. Lokasyon Ng Bus, Alamin!

Manila, Philippines – Sa Virtual Press Briefing na ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon na ginanap sa Wil Tower, kaniyang ibinalita na merong inihandang libreng transportasyon para sa mga health workers ang DOTr.

Libreng sakay

Sa nasabing pahayag ni Spox, kaniyang sinabi na tuloy tuloy pa rin ang DOTr sa kanilang libreng transportasyon para sa mga health workers at medical frontliners. Ito ay inihanda upang may masakyan ang mga frontliners matapos ilagay ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

DOTr: Libreng Transportasyon Sa Mga Frontliners, Umarangkada Na. Lokasyon Ng Bus, Alamin! 2

Ayon pa kay Spox,

“Puntahan naman po natin ang libreng transportasyon para sa ating mga health workers. My libreng masasakyan po ang frontliners. Makikita ngayon po online ang aktwal na lokasyon ng mga bumabiyaheng buses ng DOTr Free Ride for Health workers program sa NCR at Greater Manila Area.”

Lokasyon ng bus

Inisa-isa ni Spox ang mga listahan ng mga Lokasyon ng bus units kung saan puwede mapuntahan ng mga frontliners.

DOTr: Libreng Transportasyon Sa Mga Frontliners, Umarangkada Na. Lokasyon Ng Bus, Alamin! 3

Ito ay ang mga sumusunod:

Meralco
Valenzuela gateway
SM San Jose del monte
SM Masinag
Ortigas hospital
MRT-3 Cubao
Pasig City General hospital
Medical City Ortigas
Starmall Alabang
Vista Mall Daang Hari
RITM papuntang Starmall
Starmall Alabang Papuntang Manila Doctor’s Hospital
Dasmariñas Pala-pala papuntang Manila Doctor’s Hospital
Starmall Alabang papuntang SeaOil Imus Daang Hari
SM City Taytay papuntang St. Lukes Medical Center Quezon City
SLEX Sucat Exit papuntang Philippine General Hospital
MRT-3 Cubao papuntang Philippine General Hospital
SM City San Jose Del Monte papuntang SM Fairview
LRT-1 Monumento papuntang Baclaran Market
First Cabuyao Hospital and Medical Center papuntang Starmall Alabang

Ayon pa kay Spox,

“Wala po tayong public transportation sa MECQ. Sarado po ang MRT, LRT simula mamayang hating gabi. Wala rin po tayong mga bus na masasakyan.”

Papayagan bumyahe

Sinabi din ni Spox na tanging papayagang bumiyahe na pampublikong transportasyon ay mga sumusunod:

shuttle services ng pribadong kumpanya
P2P Transport Services na magbibigay prayoridad sa healthcare workers.

Iginiit din nito ang pag hikayat ng LTFRB sa mga kumpanya na maghire o maglease ng mga pampublikong sasakyan katulad ng jeepneys, buses at UV Express na hindi makakabiyahe ngayong MECQ para gamiting shuttle services.

Ani pa ni Spox,

“Ang mga pribadong sasakyan, company shuttle, personal na sasakyan, bisikleta, motorsiklo at E-scooters ay papayagan. Bawal po uli ang backriding. Isang tao lang po ang pwedeng sumakay sa motorsiklo.”

Dagdag pa niya,

‘Wag niyo na pong gamitin ang inyong mga shield (barrier) dahil pang-isang tao lang ‘yan at siyempre po sa MECQ, wala pa rin po tayong domestic flights at limitado po ang ating international flights. Wala po tayong inter-island travel.”

Sa huli kaniyang sinabi na walang special permit na kinakailangan para sa para sa mga shuttle services na uupahan ng pribadong kumpanya para isakay ang empleyado.

Source: Facebook/PTV

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: