Press "Enter" to skip to content

DOTr: Mga Tren Ng Bansa, Ready To Operate Na Kahit Naka Lockdown Pa!

Manila Philippines- Kahit total lockdown pa ay handa ng mag-operate ang ilan sa mga tren partikular na ang MRT3, LRT2, At PNR ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ang mga Tren

Ang nasabing mga Tren ay handa na umanong mag serbisyo sa mga frontliners at magdala ng mga cargo patungong probinsya. Kung ito ay pahihintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ito ay ayon kay Philippine National Railways General Manager Junn Magno sa isang pagpupulong noong Abril 30.

Mga Tren Ready Na Mag Operate
Photo credits: Rappler

Aniya kung papayagan na ang ilan sa mga sektor nila na mag-operate ay maaring 25% capacity lang nito ang mag function. Ito ay upang masunod ang implementasyon ng social distancing. Mag po-provide din sila ng ilang mga bus sa istasyon na natigil din ang operasyon bunsad ng naging malawakang lockdown.

“Puwede na kami mag-operate within ECQ and after GCQ (general community quarantine). Sa darating na linggo, handa na kami na mag-operate and ferry frontliners in Metro Manila sa coverage and capacity na sinabi namin,”  – Magno.

Mga lugar

Sinabi din nito na ang PNR ay maari ng maghatid ng mga cargo sa Central Luzon patungong Naga. Maari na din ibalik ang serbisyo para naman sa mga parcels na papuntang Legazpi Albay sa darating na Mayo.

Mga Tren Ready Na Mag Operate
Photo credits: Philstar

Samantala may ilang bahagi pa din sa Metro Manila na kasama sa listahan ng Inter-Agency Task Force na kabilang sa extensyon hanggang Mayo 15. Ang ibang lugar naman na hindi na kasama dito ay maari nang unti-unting bumalik sa kanilang mga operasyon gaya ng ilang negosyo.

Kailan mababago

Sa ngayon ay hindi pa din alam kung maari na bang ibaba ang naging protocols sa implemenstasyon ng quarantine sa Maynila, kung saan mas mataas ang bilang ng tinamaan ng nasabing virus. Sinabi naman ng Pangulo na babalik lamang ang lahat sa normal kung mayroon ng mabisang bakuna na nagawa upang ito ay mapuksa.

Mga Tren Ready Na Mag Operate
Photo credits: Manilabulletin

Sa datos ngayong Mayo 2 ay umabot na sa 8,722 total ng naitalang naimpeksyon ng nasabing virus sa bansa. May 579 naman ang namatay at 1,084 naman ang naka recover naman dito.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: