Press "Enter" to skip to content

DOTr Planong Buksan Ang Ibang Paliparan Para Di Dumagsa Ang Mga Tao Sa NAIA

Sa nakalipas na press briefing, sinabi ni Transportation Secretary Arthur P. Tugade, pinaplano nilang ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng mga international gateway o mga paliparan sa Clark, Cebu, at Davao na inaasahan sa susunod na buwan upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Metro Manila.

Hangarin mula MECQ ‘gang GCQ

Sinabi ni Tugade, ang Clark at Cebu ay mayroon ng mga pasilidad pangmedikal na maaaring pagdaungan ng gagawing swab testing para sa mga suspected patients ng COVID-19.

Aniya, sisiguraduhin nito na lahat ng mga darating na pasahero ay COVID-free.

DOTr Planong Buksan Ang Ibang Paliparan Para Di Dumagsa Ang Mga Tao Sa NAIA 2
Source: GovInsider

Pahayag ni Tugade,

“Our intention is with the start of the transition MECQ (modified enhanced community quarantine) to GCQ (general community quarantine) to open two international gateways,”

Bukod sa tatlong nabanggit na paliparan, plano rin ng DOTr ang pagbubukas ng mga paliparan sa Zamboanga, Iloilo, Bacolod at Bohol.

Kung sakaling mabuksan na ang mga ito, sinabi ni Tugade na papayagan nito ang domestic travel pati narin ang domestic tourism.

DOTr Planong Buksan Ang Ibang Paliparan Para Di Dumagsa Ang Mga Tao Sa NAIA 3
Source: Manila Bulletin

Samantala, ngayon ay pinapayagan lamang ang air travel sa pagitan ng mga lugar na sumasailalim sa GCQ, habang ang turismo ay pinapayagan lamang sa mga lugar na sumasailalim sa MGCQ.

Mga lugar na sasailalim sa GCQ

Nitong Huwebes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang National Capital Region, Davao City, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan at Albay ang mga lugar na sasailalim sa GCQ.

DOTr Planong Buksan Ang Ibang Paliparan Para Di Dumagsa Ang Mga Tao Sa NAIA 4
Source: Manila Bulletin

Sabi ng Pangulo,

“The rest of the country will be placed under modified general community quarantine. The rest of the country will be placed under modified general community quarantine,”

Para sa mga Balik-bayan

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, ang karagdagang mga paliparan ay para rin mapadali ang pagbabalik-bayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa kani-kanilang pinaggalingang bansa.

Nabanggit din niya na ang lahat ng mga OFW na darating sa NAIA ay hihilinging sumailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing.

DOTr Planong Buksan Ang Ibang Paliparan Para Di Dumagsa Ang Mga Tao Sa NAIA 5
Source: Rappler

Nitong mga nakaraang linggo, mayroon ng 24,000 mga OFW, na kasalukuyang stranded sa NCR at Batangas habang naghihintay ng mga resulta ng kanilang test.

Ang mga nag-negatibo rito ay pinauwi na sa kani-kanilang mga tinitirhan.

Sinabi ni Año na 11,889 sa nasabing mga OFW ay nai-book na para sa mga flight pabalik sa kanilang mga lalawigan. Ang natitirang 6,648 na mga OFW ay inaasahan ding makuuwi nitong Sabado.

Source: Business Mirror

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: