Press "Enter" to skip to content

Drama Lang Daw Ng Mga OFW Sa Riyadh Ang Pangangalkal Sa Basurahan Upang May Pangkain

Manila, Philippines – Naglabas ng salaysay kamakailan si Philippines Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto na ang video ng mga kababayang nangangalakal ng basura ay pawang drama lamang. Nag-post umano ito sa isang social media site at inuulit na “food assistance was given.”

Drama

Makikita sa naturang video ang pagpu-pursigi ng dalawang lalaki na makahanap ng mga nabubulok at pwede pang isalbang gulay at prutas para lang may makain. Sila ay nagpapalipat-lipat ng mga lugar at establisyimento para mangalakal.

Drama Lang Daw Ng Mga OFW Sa Riyadh Ang Pangangalkal Sa Basurahan Upang May Pangkain 2
Photo Credit: Facebook – OFW JOIN FORCE

Sinabi naman ni Alonto na ka-dramahan lang daw ito ng ating mga kababayan. Nakapagbigay daw umano ng pagkain at tulong ang Philippine Overseas Labor Office o POLO sa kanila.

Kulang-kulang

Daing ng mga ating mga kababayan sa na nakatanggap sila ng tulong sa POLO ngunit noong Abril pa raw. Sa di maipaliwanag din na paraan ay pinagpapasa-pasahan din sila ng kanilang kumpanya kung papano maresolba o matulungan sila sa kanilang pinagda-daanan.

Nasabi rin nila na simula March 16, ng magsimula ang lockdown ay hindi na naibigay ang kanilang sweldo. Napilitang magsarado ang kanilang kumpanya sa kawalan din ng trabaho.

Pagpapa-uwi

Sinabi ni Alonto na ang pagpapa-uwi sa mga kababayan ang kanyang pangunahing layunin. At sa ngayon ay nakikipag-ugnayan siya sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang maisakatuparan ito. Agarang ginagawan narin ng paraan ang pagi-issue ng exit visas at ang karagdagang flights ay naisasa-ayos na.

Ani ni Alonto,

“The fact is food assistance was given. [Repatriation] is the goal. Well, exit visas need to be granted and more flights needed. That’s the truth. We are on it. Sana walang drama.”

Drama Lang Daw Ng Mga OFW Sa Riyadh Ang Pangangalkal Sa Basurahan Upang May Pangkain 3
Photo Credit: Youtube – South Muslim

Ngunit ani ng isa sa mga lalaki sa naturang video,

“Nabigyan po kami ng tulong mula sa POLO noong Abril pa, pero ngayon po, hindi na. Pinag papasa-pasahan na din kami ng aming kumpanya. Eh wala po kami makain kaya nag babasura na lamang kami para kahit papano may makain kami.”

Reaksiyon

Samu’t saring reaksiyon ang natanggap ng ating mga mga kababayn mula sa mga netizens ng kanilang marining ang pahayag ni Alonto. Marami sa kanila ang nagalit at inakusahang oportunista and ating mga kababayan. May mga mangilan-ngilan din na pumanig sa mga kababayan at naturang nagbigay ng kanilang opinion.

Drama Lang Daw Ng Mga OFW Sa Riyadh Ang Pangangalkal Sa Basurahan Upang May Pangkain 4
Photo Credit: Facebook – OFW JOIN FORCE

Dagdag ni Marceline Fumamontes isa sa mga netizens,

“Drama man po yun o hindi ay naniniwala kami na ang bawat tao ay gagawin ang lahat upang maitawid at buhayin ang sarili. Mabuti nga at mas pinili nilang maghanap ng alternatibo habang inaantay ang aksyon ng gobyerno.”

Umantig sa puso ng karamihan nang masaksihan ang kwento ng ating mga kababayan nangangalakal. Marami ang nagpa-abot ng tulong na kapwa OFW sa kanila habang inaantay ang planong pagpapauwi sa kanila ng gobyerno.

Narito ang buong kwento:

Video Courtesy: Facebook – OFW JOIN FORCE

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: