Press "Enter" to skip to content

Drayber Ng Truck Sa Maynila, Nabiktima Ng Over Pricing Na Paniniket Ng Parking Attendant

Nadismaya ang drayber ng isang delivery truck matapos na hindi makatarungang tiketan siya ng isang parking attendant sa kilalang mall sa Maynila.

Pangyayari

Ayon sa ibinahaging post ni Oswald Raven Senolos, makikitang pinapababa siya ng aroganteng parking attendant at pinipilit na pag bayarin ng halagang 300 pesos para sa parking.

Katwiran naman ng drayber, masyadong mahal ang sin is singil na ticket ng attendant samantalang sa ibang lugar naman daw ay nagkakahalaga lamang ng 50 pesos ito.

Drayber Ng Truck Sa Maynila, Nabiktima Ng Over Pricing Na Paniniket Ng Parking Attendant 2

Ayon pa sa drayber,

“Mayor Isko Moreno, Tinatawagan ko po ng pansin ang butihing mayor ng Maynila. Patulong po Ana pasikatin tong arogante at abusadong parking attendant na to dahil sa over pricing na paniningil sa mga truck drayber sa katulad ko.

Pangingikil

Ayon pa kay Oswaldo, kitang kita naman daw sa ticket na ang halagang sinasabi ng attendant ay over pricing ngunit giit ng attendant na tama raw ito.

Makikita din sa video na minura pa si Oswaldo ng attendant at inaamok nito upang bumaba sa kaniyang truck. Tinawag din nito na “Gago” at “Bobo” Ang naturang drayber kaya naman ayon sa drayber ng truck ay wala karapatan ang attendant na tawag in siya nito.

Drayber Ng Truck Sa Maynila, Nabiktima Ng Over Pricing Na Paniniket Ng Parking Attendant 3

Ayon pa sa kaniya,

“300 ang singil sa truck malinaw na malinaw qng babasahin mu sa ticket qng mag Kano ang singilan sa bawat klase ng sasakyan. Nag tanong lng aq Kung bakit sobrang Mahal nmn ng singil sa sakin bigla nlng sya nagalit sinabihan aq ng qng Anu Anu at minura pa ako.”

Panawagan kay Yormi

Kaya naman ito’y nagbabakasakaling na sa kaniyang video na aktwal na kinuhanan sa pangyayari ay maipaabot nito kay Yormi. Sana din daw ay matulungan siya na paimbestigahan ang mga abusadong attendant na overpricing kung maningil ng ticket.

Aniya,

Drayber Ng Truck Sa Maynila, Nabiktima Ng Over Pricing Na Paniniket Ng Parking Attendant 4

“Sana po maaksyonan to ng mag silbe ding Aral sa lahat ng mga abusadong tulad neto. Dito po ito sa soler st helera ng 999mall.

Samantala, umani naman ng samo’t saring komento at pagka dismaya ang mga netizens sa kanilang napanood na video. Umaasa din ang mga ito na sana’y ma-aksyonan kaagad ito ng lungsod ng Maynila ng sa gayon wala ng ibang mabiktima lalong lalo na ngayong may pandemya.

SOURCE: Facebook/Oswald Raven Senolos

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: