Press "Enter" to skip to content

Drunk Driving, Pinakasanhi Ng Barrier Accidents Sa EDSA

Ang mga aksidente sa sasakyan na may kaugnayan sa concrete barriers sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) ay bumaba ngayong Hulyo, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Hulyo 20.

Pagbaba at ang sanhi ng aksidente

Sa isang Laging Handa online briefing, sinabi ng tagapagsalita ng MMDA na si Assistant Secretary Celine Pialago na mula sa mataas na 40 na aksidente noong Hunyo, ang bilang ay bumaba sa 12 na aksidente ngayong buwan.

Sabi ni Pialago,“[In June] nag-a-average po ng at least one accident a day. Ngayon po, sa buwan ng July, nakapag-tala po ng 12 concrete barrier related accidents.”

Drunk Driving, Pinakasanhi Ng Barrier Accidents Sa EDSA 2
Photo Source: CNN Philippines

Habang ang bilang ng mga aksidente ay bumababa, sinabi niya ang pinakakaraniwang sanhi ng mga concrete barrier-related accidents ay nananatiling ang driving under the influence of alcohol (DUI).

Sabi pa niya, “Kalahati po nito ay nabangga ang concrete barrier dahil po sila ay nakainom.” Pialago said.

Ang data, aniya, ay batay sa pagsisiyasat ng mga traffic bureau sa ilalim ng Philippine National Police (PNP).

Hakbangin ng MMDA

Upang maiwasan ang mga aksidenteng ito, sinabi niya na naglagay na ang MMDA ang mga solar-powered warning signs sa kahabaan ng EDSA bukod sa pagtiyak na ang lahat ng mga concrete barriers ay nilagyan ng mga reflectors para sa night-time visibility.

Drunk Driving, Pinakasanhi Ng Barrier Accidents Sa EDSA 3
Photo Source: Visor

Sinabi ni Pielago, “Ang laking tulong po ng mahigit labing-anim na solar-powered early warning signs na inilagay po ng MMDA para ho abisuhan ang mga motorista.”

Patuloy na pagpapaalala

Sinabi niya na ang mga motorista ay patuloy na pinaaalalahanan MMDA sa paglipat ng mga daanan ng bus sa EDSA mula sa mga outer lanes patungo sa middle lanes at ang pagkakaroon ng mga concrete barriers, na karamihan sa mga ito ay kamakailang nailagay na para sa EDSA busway.

Drunk Driving, Pinakasanhi Ng Barrier Accidents Sa EDSA 4
Photo Source: Wikipedia

Dagdag pa niya, “Hindi naman po tayo nagkukulang sa paalala na ang ating EDSA busway o ang dating yellow lane natin para sa mga buses ay hindi na nasa kanan yan, nasa kaliwa. At may harang pong concrete barriers.”

Nanawagan din siya sa mga motorista na pigilan ang palagiang pagpapalit ng mga lanes at ang over-speeding upang maiwasan ang mga aksidente.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: