Press "Enter" to skip to content

DSWD At PayMaya, Magkatuwang Sa Pamamahagi Ng Tulong Pinansyal Sa Mga Benepisyaryo Ng Programang AICS

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakipagkaisa sa digital wallet app na PayMaya para sa mabilisang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

‘Mas mapapadali ang pagencash’

Sa isang pahayag, sinabi ng DSWD na sa pakikipagtulungan sa PayMaya, ang mga benipisyaryo ng AICS ay madali nang maeencash ang kanilang mga cash aid mula sa alinmang 30,000 branches ng Smart Padala sa buong bansa sa pamamagitan ng kanilang mga account sa PayMaya.

DSWD At PayMaya, Magkatuwang Sa Pamamahagi Ng Tulong Pinansyal Sa Mga Benepisyaryo Ng Programang AICS 2
Source: Business World

Dagdag pa rito, maari pa nilang magamit ang pera sa pagbabayad ng mga bills at iba pa ng mas madali.

Aniya,

“They may also use the funds in their accounts to pay for bills, groceries, or other daily essentials, purchase airtime load, or send money to other PayMaya users through the PayMaya app.”

DSWD At PayMaya, Magkatuwang Sa Pamamahagi Ng Tulong Pinansyal Sa Mga Benepisyaryo Ng Programang AICS 3
Source: Smart Padala Ph

AICS Program, tulong upang makabangong muli

Ang programang AICS ay isang regular na programa na nagbabahagi ng tulong pinansyal mula sa DSWD upang matulungan ang mga benepisyaryo sa kanilang mga pangangailangang medikal, edukasyon, libing, o transportasyon bilang agarang tulong upang makabawi mula sa anumang krisis.

DSWD At PayMaya, Magkatuwang Sa Pamamahagi Ng Tulong Pinansyal Sa Mga Benepisyaryo Ng Programang AICS 4
Source: Capastarlac.gov

Sabi ni Orlando Vea, PayMaya founder at CEO,

“Mobile wallets like PayMaya are playing a critical role in enabling Filipinos to gain access to much-needed financial aid from government agencies and local government units. We support DSWD and the rest of the government’s efforts to digitize citizen disbursements.”

PayMaya, pwede ring gamitin ng mga SAP beneficiaries

Pahayag ng DSWD, ang PayMaya ay katuwang din sa ReliefAgad app.

DSWD At PayMaya, Magkatuwang Sa Pamamahagi Ng Tulong Pinansyal Sa Mga Benepisyaryo Ng Programang AICS 5
Source: GMA Network

Ang mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ay maaari ring piliin ang nasabing digital wallet upang matanggap ang kanilang cash aid sa pamamagitan ng kani-kanilang mga account sa PayMaya.

Sinabi ng kagawaran na magpapatuloy sila sa paghahanap ng makabago, mas ligtas, at mas maginhawang paraan upang mapabuti ang pagpoproseso ng cash assistance upang agarang maibigay ang tulong sa mga Pilipino sa panahon ng krisis sa bansa.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: