Press "Enter" to skip to content

DSWD Nagbabala Na Maaaring Makasuhan Ang Sino Mang Tatanggap Ng Social Amelioration Kung Mapapatunayan Na Hindi Sila Kwalipikado

Last updated on April 22, 2020

Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista nagbabala na maaaring mahabla ang sino mang mapapatunayan sa kanilang validation na hindi kwalipikadong makatanggap ng cash assistance mula sa kanilang kagawaran.

Ang babala

Ayun kay Secretary Bautista sa Laging Handa government briefing,

“Pagka na-validate po na talagang hindi sila eligible, unang-una ay kailangan nila ibalik yung pera pero hindi ibig sabihin non na nakaligtas na sila sa criminal liabilities. Naandon pa rin yung pwede silang ihabla para mapasagot sila sa ginawa nilang hindi tama”

DSWD Nagbabala Na Maaaring Makasuhan Ang Sino Mang Tatanggap Ng Social Amelioration Kung Mapapatunayan Na Hindi Sila Kwalipikado 2
Photo Credits: CNN Philippines

Hindi rin lusot ang mga barangay officials sa imbestigasyon ng DSWD. Kasama rin sila sa makakasuhan kung mapatunayan na hinayaan nila makatanggap ang mga hindi kwalipikado sa programa.

Sino ba dapat?

Ayun sa guidelines na inilabas ng DSWD ang pwedeng lang makatanggap ay ang mga pamilyang kabilang sa low-income at mga nasa informal sector na lubhang apektado sa umiiral na mga limitasyon dahil sa COVID-19.

DSWD Nagbabala Na Maaaring Makasuhan Ang Sino Mang Tatanggap Ng Social Amelioration Kung Mapapatunayan Na Hindi Sila Kwalipikado 3
Photo Credits: DSWD

Hindi awtomatikong makakatanggap ang mga nasabing sektor. Dadaan pa rin sila sa proseso bago makatanggap. May mga programa rin ang gobyerno para sa ibang hindi mabibigyan ng DSWD na apektado rin ng , gaya ng mga programa ng DOLE.

Pananaw ng iba

May mga mamayan na natuwa sa programa, mayroon din namang duda kung makakatanggap ba sila. May mga naguluhan din sa sinabi ni Secretary Bautista. Ayun sa kanila paano naman daw mangyayari na nakatanggap na bago pa nasabi ng DSWD na hindi kwalipikado kung sa proseso ay una ang verification bago makatanggap ang isang tao?

DSWD Nagbabala Na Maaaring Makasuhan Ang Sino Mang Tatanggap Ng Social Amelioration Kung Mapapatunayan Na Hindi Sila Kwalipikado 4
Photo Credits: DSWD

May iba rin na nagsabi na baka naman daw dahil sa kakulangan ng pondo kaya kung ano-anong paghahabla ang naiisip ng DSWD. Hindi naman daw yun ninakaw ng tao kusa nila yung ibinigay. Mahirap na ring isauli kung ang pera ay nagastos na ng nabigyan, ano yun may utang sila sa gobyerno?

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: