Press "Enter" to skip to content

DTI: 2M Penalty Para Sa Mga Face Shield Sellers Na Dedma Sa Itinakdang SRP

Malaking halaga ang maaaring mapataw sa mga seller ng face shields na syang hindi susunod sa itinakdang Suggested Retail Price nito. Aabot sa limang libo hanggang 2 milyong piso ang parusa para sa mga dededma sa SRP ng face shields.

Malaking parusa

Ayon sa DTI, maaari lamang ibenta ang mga non-medical grade face shield sa halagang 26 pesos hanggang 50 pesos. Ayon sa interbyu ng GMA Unang Hirit kay Undersecretary Ruth Castelo, ipinaalam na ng ahensya ang impormasyon ukol sa SRP ng face shields sa iba’t ibang platforms.

DTI: 2M Penalty Para Sa Mga Face Shield Sellers Na Dedma Sa Itinakdang SRP 2

Pahayag ni Castelo,

“Ang penalty doon — this is covered kasi by the Price Act dahil declared ng DOH (Department of Health) na basic commodity siya or essential good — P2 million ang maximum, P5,000 minimum,”

Pagkakakulong naman ng lima hanggang labinlimang taon ang parusa para sa mga mananamantala sa pagbebenta ng face shield.

“There is also imprisonment of five to 15 years for profiteering,”

Department Order No. 0345

Pinirmahan kamakaulan ni Department of Health Secretary Duque ang Department Order No. 0345 na nagtatalaga ng SRP sa mga non-medical grade na face shields. Inilarawan ng ahensya kung ano nga ba ang maituturing na non-medical grade face shield.

DTI: 2M Penalty Para Sa Mga Face Shield Sellers Na Dedma Sa Itinakdang SRP 3

Una, ito ay may nakalagay na acetate o transparent na plastic para sa fog resistance at magamit nang malinaw. Mayroon din itong adjustable na band para maayos na mailagay sa ulo ng gagamit. Nako-cover nito ang buong mukha ng gagamit. Gawa ito sa robust material na syang maaaring idisinfect, gamitin muli, o idispose.

Ayon pa kay Castelo, ang mga tipikal na face shield ay yung may frame, garter, foam, at acetate sheet. Samantala, ang mga heavy-duty na face shield naman ay gawa mula sa acrylic materials at rubber strap kaya naman maaari itong mabenta sa halagang limandaan. Mas mataas ito kaysa sa mga tipikal at ordinaryong face shield.

Gawang lokal

Dagdag pa ni Castelo, ang mga locally made na face shield na may mas matibay na frame at mas makapal na acetate sheet at ipinagbibili bilang 3 per package ay maaaring ibenta sa mas mataas na halaga.

Mandatory

Simula Aug 15, ipapatupad na ang mandatory na paggamit ng face shield sa lahat ng pampublikong lugar, transportasyon, at pinagtatrabahuan.

Source: GMA Public Affairs

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: