Press "Enter" to skip to content

DTI, Inirekomenda Ang “Gradual” Re-Opening Ng Dine-In Restaurants

Inirekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “gradual” re-opening ng dine-in restaurants sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Pagsunod sa required protocols

Sa ginanap na online hearing ng House Committee on trade and industry, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na ang kanilang proposal ay para lang sa restaurants na kayang sumunod at magpatupad ng required health protocols.

“Those that are not ready may take their time and prepare so that we will all be sure that we can all be safe dining in inside their restaurants,” dagdag pa niya.

DTI, Inirekomenda Ang "Gradual" Re-Opening Ng Dine-In Restaurants 2
Photo Credit: PTV News

Ilan sa mga protocols ay ang “no face mask, no entry” policy, social distancing at ang palagiang pag-sanitize ng kapaligiran.

Bawal ang physical contact

Para sa mga workplace stations, highly discouraged ang self-service, pati na ang mga buffet at salad bars. Bawal naman ang physical contact sa pag-aabot ng bayad sa pagitan ng customer at restaurant personnel.

Sinabi rin ni USec. Castelo na, “If possible, restaurant owners are encouraged to use technology. No physical contact.”

DTI, Inirekomenda Ang "Gradual" Re-Opening Ng Dine-In Restaurants 3
Photo Credit: PTV News

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, “We will allow them to open and subject na lang sa post-operations audit or during operations audit. At kapag may insufficiencies, that’s the time that their attention will be called.”

Paghahanda sa pagbubukas

Sa mga restaurant personnel, inirerekomenda ng DTI na bawal ang pagsusuot ng alahas, kagaya ng singsing, hikaw at bracelet. Bawal din papasukin ang mga may sintomas ng COVID-19 o na-exposed sa COVID-19 patient.

Mandatory requirement din ang pagsusuot ng closed shoes, face mask, face shield, gloves at hair caps.

DTI, Inirekomenda Ang "Gradual" Re-Opening Ng Dine-In Restaurants 4
Photo Credit: PTV News

Pinaghahandaan na ng ilang restaurants kung sakaling lumuwag ang protocol at payagan na ang dine-in services. Nais nilang maibalik ang tiwala sa kanila ng publiko.

Nilinaw naman ng DTI na ang rekomendasyon na ito ay subject pa rin sa approval ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Narito ang video ng naturang balita:

Source: PTV News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: