Press "Enter" to skip to content

DTI: Paniningil Ng Renta/Upa Sa Gitna Ng Lockdown, Ipinagbabawal

Muling nagbigay ng babala ang Department of Trade and Industry na labag ang paniningil ng renta sa mga sa tenant habang umiiral pa ang enhanced community quarantine. Ayon sa ahensya, ang mga landlord na lalabag ay may karampatang pananagutan sa batas.

Bayanihan Heal As One Act

Maituturing na paglabag sa Bayanihan Heal As One Act ang paniningil ng renta sa mga umuupang tenants. Nakasaad sa batas rito na ipinagbabawal ang pagsingil ng renta habang umiiral ang lockdown ayon kay DTI chief Ramon Lopez. Bilang resolusyon sa isyung ito ay iminungkahi na hatiin sa anim buwan ang pagbabayad sa renta. Aniya,

DTI: Paniningil Ng Renta/Upa Sa Gitna Ng Lockdown, Ipinagbabawal 2

“‘Ang Fair Trade Enforcement Bureau (isa itong attached bureau ng DTI) ay pwedeng tumanggap ng mga complaints at doon na idi-discuss yung kaso,”

Bayan Muna

Nakarating ang maraming reklamo sa Bayan Muna mula sa mga residente na mandatory ay pinagbabayad ng renta sa kanilang inuupahan habang umiiral ang ECQ. Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate,

DTI: Paniningil Ng Renta/Upa Sa Gitna Ng Lockdown, Ipinagbabawal 3

“Intindihin po sana natin na hirap na hirap na rin po ang mga kababayan at kung anong meron silang pondo, ang pangunahin nilang tinututukan ay ang kanilang pagkain at iba pang basic needs,”

Palugit sa renta

Si Eric Agulay na isang nagpapaupa ng commercial building ay nagbigay naman ng palugit sa kanyang mga tenant na maaaring mabayaran ng installment ang upa. Ngunit pakiusap lamang din nito ay sana matulungan rin sila ng gobyerno dahil direktang natamaan din ng krisis o pandemic ang kanilang negosyo. Pagsaad nito,

DTI: Paniningil Ng Renta/Upa Sa Gitna Ng Lockdown, Ipinagbabawal 4

“Meron din kaming binabayaran, gaya nila nagpapaaral din kami. Para sa aming nagpapaupa, kasama rin kami sa naapektuhan,”

Mall owners

Ang batas na nabanggit ukol sa pag-waive ng renta sa mga upa ay umiiral din sa mga mall. May mangilan ngilan na ding mall owners ang nag-waive ng renta sa kanilang mga tenant habang patuloy ang lockdown sa maraming lugar.

Source: ABS-CBN News

One Comment

  1. Princess Concepcion Princess Concepcion April 30, 2020

    Goodafternoon po ask ko lang bakit dito po sa pasig naniningil patin po yung may ari ng bahay pinipilit nya po kaming magbayad kahit wala po kaming mga trabaho.. saan po ba kami pwedeng tumawag at magreklamo regarding po dito.. sana po ay matulungan nyo kaming mga walang trabaho na wala pong maipangbayad sa renta.. maraming salamat po..

Leave a Reply

%d bloggers like this: