Bagaman marami ang nakakatanggap ng covid aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), marami rin naman ang naliligwak sa screening ng ahensya.
Pagbigyan lahat
Kagabi sa press conference ng Pangulong Rodrigo Duterte, hinimok nito ang mga tao na magreklamo ang mga ito kung sakaling hindi pa nakakatanggap ang mga ito ng tulong pinansyal.

Ito ay para sa mga kwalipikadong benepisaryo ng social amelioration cash na direktang apektado ng krisis sa bansa. Ayon sa pangulo,
“‘Yung hindi pa nakatanggap, let us know by radio or what, magreklamo kayo sa radio station, barangay captain then the mayor,”
Dagdag pa nito,
“Mag-report kayo diyan and it’s a matter of using a cellphone. The governor just ask⦠kung sino pa ang hindi nabigyan kasi pagbigyan namin lahat,”
Maliit na porsyento
Napabalitang ilan sa mga lokal na gobyerno ang nangangamba dahil maliit lamang na porsyento ng kanilang listahan ng benepisaryo ang nabigyan ng pinansyal na tulong ng DSWD sa ilalim ng social amelioration program ng ahensya.

Nanawagan naman ang Metro Manila Council sa DSWD at Department of Finance na bigyan ng ayuda ang lahat ng benepisaryo na pasok sa programa. Anila, libo-libong Pilipino pa rin ang hanggang ngayon ay naghihintay na maambunan ng ayuda.
Kulang sa impormasyon
Umaray naman ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan dahil sa kakulangan ng mga ito ng impormasyon ukol sa kanilang mga residente na syang diumano ay nagpapabagal ng proseso sa pagpapamigay ng cash aid. Sa ngayon ay tuloy tuloy naman ang pamimigay ng tulong ng DSWD sa mga kwalipikadong benepisaryo ng Social Amelioration Program. Bawat barangay ay nagsasagawa ng mga screening upang matiyak na sa kwalipikadong pamilya ang maunang mabigyan ng tulong.
Modified ECQ
Bagaman patuloy ang enhanced community quarantine na nagpapahirap sa marami, inanunsyo ng pangulo kagabi na posibleng ma-lift na ito sa Mayo 15 ngunit may mga restrictions pa din.
Source: GMA News
Ako po si Jerimay R. Castro taga phase 2 taugtog botolan ay may gusto lamang po sanang itanong tungkol sa ayuda po na ibibigay ang asawa ko po na si Jerome ay isang construction worker lang nagsinula ang ECQ nawalan narin po po ng pagkakakitaan may dalawa po kming anak at umaasa lang po sa rasyon n ibibigay bukod po dun wala na kmi ibang inaasahan nainterview naman po ako pero wala daw po kasiguraduham na makakakuha kmi ano po ba ang qualifications para makakuha ng ayuda kmi po ay walang sariling bahay pansamantala lang po kming pinatuloy sa bhay ng tita ng asawa ko para di mapabayaan ang bahay sana po po matulungan nyo po kmi ung ayuda na nga lang po sana ang inaasahan nmin kht papano bkit malabo pa kming mabigyan bkit ganun sila mamili ng bibigyan halos dumadaan sa butas ng karayom salamat po sana po mapansin nyo po