Press "Enter" to skip to content

Duterte, Magbibigay Ng ₱10M Na Pabuya Sa Pilipinong Makaka Imbento Ng Bakuna Kontra COVID-19

Manila, Philippines – Ang pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magbibigay ng ₱10-milyong pabuya sa makaka tuklas ng bakuna laban sa COVID-19. Ito ang naging pahayag ng Malacañang sa isang virtual press conference.

Ang pahayag

“Unang una, dahil nga po public enemy po itong COVID-19 hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na hanggang P10 milyong piso sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19.”

Duterte, Magbibigay Ng ₱10M Na Pabuya Sa Pilipinong Makaka Imbento Ng Bakuna Kontra COVID-19 1

Ito ang naging pahayag ng tagapag salita ng pangulo na si Harry Roque sa isang press conference. Sa kabila ito ng pagsisikap ng buong mundo na makagawa ng vaccine para sa COVID-19. Ang mayroon pa lang ngayon ay mga gamot na possibleng maging pangontra sa mga respiratory diseases.

Malaking pondo

Magbibigay umano ang pangulo ng malaking halaga sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) na kanilang gagamitin para sa pagtuklas ng kinakailangang bakuna .

Duterte, Magbibigay Ng ₱10M Na Pabuya Sa Pilipinong Makaka Imbento Ng Bakuna Kontra COVID-19 2

Sinabi ni Duterte sa mga lider sa Asya na ang lahat ng bansa ay dapat magkaroon ng patas na karapatang makakuha ng vaccine. Pati na rin ang anumang gamot na maaaring gamitin pangontra sa COVID-19 sa oras na ito’y madiskubre.

Potensyal na gamot

Patuloy ang pag-aaral ng mga bansa gaya ng Amerika, China, Japan at Australia para makagawa ng vaccine. Nauna nang napabalita ang pagsisikap ng Japan na palawakin pa ang pag gawa ng gamot na Avigan, isang anti-flu drug. Nalaman nila na maganda ang resulta nito kapag ginamit sa mga pasyenteng mayroong respiratory disease.

Duterte, Magbibigay Ng ₱10M Na Pabuya Sa Pilipinong Makaka Imbento Ng Bakuna Kontra COVID-19 3

Matatandaang nauna ng sinabi ng presidente na handa sya na sumali ang Pilipinas sa mga clinical trials at iba pang pag-aaral para makabuo ng bakuna at gamot para sa COVID-19.

Source: Philippine STAR

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: