Press "Enter" to skip to content

Duterte, May Panawagan Sa Mga Punong Barangay “Gawin Ninyo Ang Trabaho Ninyo!”

Manila, Philippines – Sa kaniyang naging panayam kagabi, kinalampag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga kapitan ng baranggay kasunod ng pagsasailalim sa ilang mga lugar sa bansa sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Isinisi sa Pangulo?

Nitong Linggo ng gabi sa kaniyang naging public address, ayon sa Pangulo, sa kaniya ibinabagsak ang sisi ng maraming pagkahawa ng sakit na COVID sa gitna ng napakaraming tao na patuloy pa ring naglalabasan ng kanilang bahay.

Duterte, May Panawagan Sa Mga Punong Barangay "Gawin Ninyo Ang Trabaho Ninyo!" 2

Kaya utos nito sa mga kapitan ng barangay na mahigpit na ipatupad ang quarantine protocol kabilang na ang pag-iimplementa ng lockdown.

Pag implement ng lockdown

Ayon pa sa Pangulo, malaking papel ang ginaganpamanan ng mga kapitan hindi lamang ng mga nasa baranggay kundi pati ng mga alkalde para mapigilan ang pagkalat ng virus sa kani-kanilang mga areas jurisdiction.

Duterte, May Panawagan Sa Mga Punong Barangay "Gawin Ninyo Ang Trabaho Ninyo!" 3
Photo Source: Presidential Communications

Ani ni Duterte,

“Now, also mga barangay captains, it’s time that you really work. Isauli mo sa tao ‘yung honor na ibinibigay nila sa inyo. Ibinigay ninyo at ibinigay sa inyo ng tao. You work. Strictly enforce ang quarantine, lalo na yung lockdown.”

Dagdag pa niya,

“Kasi ang Maynila dahil ang mga tao maraming, eh maraming tao na lumalabas, eh di maraming mahawa. Tapos sabihin mo, “What is Duterte doing about the government?” Hoy! Maryosep. Magbili ka diyan ng vaccine o ako ang bibili sa iyo, ituro mo lang kung saan. Well, it’s vaccine, maski saan ka, it’s vaccine.”

Patakaran sa iba’t-ibang bayan

Ayon pa sa Pangulo, wala siya magagawa sa mga lugar na may sobrang higpit na namumunong mga alkalde dahil may sariling otonomiya ang mga ito sa ilalim ng Local Government Code.

Wika nito,

“Well, some mayors are overly strict. Wala na tayong magawa doon kasi under the Local Government Code, they ought to really also to move.”

Sa ngayon, isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR upang tugunan ang lomolobong kaso ng COVID-19. Samantala, pinag iisipan naman ng Pangulo na I-recall ang mga medical military reservists na dalawang taong aktibo upang tulungan ang frontliners ng bansa.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: