Press "Enter" to skip to content

Duterte, Papa-imbestigahan Ang Anumalya Sa Testing Equipment Ng Philhealth

Manila, Philippines – Pa-iimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang di umano’y overpricing sa testing package ng Philippine Health Insurance Corporation’s (Philhealth) para sa Covid-19.

Pagka bahala

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naalarma ang pangulo matapos malaman ang mga halaga ng mga biniling test kits ng Philhealth.

Duterte, Papa-imbestigahan Ang Anumalya Sa Testing Equipment Ng Philhealth 2
Photo credits: Manila Bulletin

Aniya,

“Bibigyan ko po ng kumpirmasyon na nababahala ang Presidente lalung-lalo doon sa pagkakaiba ng presyo ng testing kit… So nais po niya ng kasagutan and an investigation (at imbestigasyon)”.

Patutsada ni Drilon

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa isang Senate hearing na maaaring malugi ang bansa ng tinatayang P8.3 bilyon dahil sa overpricing scheme na ito.

Duterte, Papa-imbestigahan Ang Anumalya Sa Testing Equipment Ng Philhealth 3
Photo credits: Inquirer

Kinuwestyon din ng senador ang pagbabayad ng Philhealth ng P8,150 kada Covid-19 test, na doble sa P4,000 na halaga ng bawat test sa Philippine Red Cross. Dagdag pa ni Drilon, mas mahal ang cost estimate ng PhilHealth kumpara sa P1,500 na presyo sa bawat test kit na galing Tsina.

Dumipensa ang Philhealth

Depensa naman ni PhilHealth president Ricardo Morales, ang pahayag na pinagbabasehan ng Malacañang ay base sa lumang datos na nakalap bago pa mag Abril 1, 2020 kung kailan limitado pa lamang ang kapasidad ng testing.

Duterte, Papa-imbestigahan Ang Anumalya Sa Testing Equipment Ng Philhealth 4
Photo credits: Inquirer

Inaasahan naman na maglalabas ang Philhealth ng panibagong package rate para sa mga pasyente ng Covid-19 sa susunod na linggo.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: