Press "Enter" to skip to content

Duterte, Pinag-Iisipan Ng Ideploy Ang Mga Medical Military Reservists Para Tulungan Ang Frontliners

Manila, Philippines – Sa kaniyang naging pahayag nitong Linggo ng gabi, sinabi ng Pangulo na kaniya ng pinag iisipan na i-deploy ang nga medical military reservists upang tulungan ang mga frontliners sa pag sugpo ng COVID-19 sa bansa.

Panawagan sa serbisyo

Sa ginawang pagtitipon kagabi, minungkahi ng Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanilang tinitingnan ang pag tatalaga ng mga military reservists na aktibo sa serbisyo ng dalawang taon upang tugunan ang pag sugpo sa pandemya.

Duterte, Pinag-Iisipan Ng Ideploy Ang Mga Medical Military Reservists Para Tulungan Ang Frontliners 2

Ani nito,

“We propose also to beef up our Health Services Command to allow us to enlist at least 10,000 people composed of doctors, nurses, medical technologists. This will become our medical reservists for any eventualities.”

Desisyon ng Pangulo

Matapos ng nasabing pahayag ni Lorenzana, ayon sa Pangulo maari niyang imobilisa ang lahat ng mga military reservists na aktibo ng sa gayon mapunuan ang kakulangan ng medical frontliners.

Duterte, Pinag-Iisipan Ng Ideploy Ang Mga Medical Military Reservists Para Tulungan Ang Frontliners 3

Wika nito,

“We might call for mobilization of the reservists. You know my daughter, Inday Sara, if I start the mobilization, she would be the first. I will specifically point out to her as one of those who will answer the call.”

Matatandaang isa si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio sa mga naging colonel ng Armed Forces of the Philippines Reservists Group.

Ani pa ng Pangulo,

“You have no luxury of accepting or not accepting. Remember you are a reservists, you are subject to martial law. Hindi martial law ng gobyerno, martial law ng disiplna.”

Pag training balik serbisyo

Ayon pa sa Pangulo, nais na niyang mag handa ang mga pulis, nurses, doctors at medical technologists sa pag deploy nito anumang oras. Iminungkahi din nito na sumailalim sa training ng kahit dalawang araw

Sambit ng Pangulo,

“Saka yung mga nurses at pulis, be ready to be deployed. Advised your workers na yung mga pulis na babae, ibaba ninyo lahat. We will train them for about one or two days.”

Dagdag pa ng Pangulo na pinag Iisipan nito ang malaking auditorium kagaya ng PICC na maging venue ng nasabing training at pag hahanda.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: