Press "Enter" to skip to content

Duterte, Sinirtipikahan Ng ‘Urgent’ Ang Anti-Terror Bill

Manila, Philippines – Kagabi, sinertipikahan na bilang “urgent” ang kontrobersyal na panukalang Anti-Terrorism Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mas mapabilis ang pagsasabatas nito ilang araw bago magwakas ang sesyon.

Pagbuwag sa terorismo

Sumulat si Duterte kay House Speaker Alan Peter Cayetano noong Hunyo 1 upang sabihing dapat pabilisin ang pag-abruba sa House Bill 6875 upang agarang masugpo ang terorismo. Papaigtingin din aniya nito ang seguridad at kapayapaan ng bansa.

Matatandaan na magtatapos ang regular ng sesyon ng House of Representatives at Senado sa Hunyo 5 at magsisipagbalikan ulit ang mga mambabatas sa dulong bahagi ng Hulyo para sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Duterte, Sinirtipikahan Ng 'Urgent' Ang Anti-Terror Bill 2
Photo Credits: Inquirer

Dagdag pa dito, ang pagsertipika bilang “urgent” ay nagbibigay pahintulot sa mga mambabatas upang ipasa ang panukalang batas sa pangalawa at pangatlong pagbasa sa iisang araw lamang, sa halip na gawin ang ordinaryong kalakaran kung saan may tatlong araw na pagitan ng ikalawa at ikatlong pagbasa alinsunod sa Saligang Batas.

Noong lamanh Pebrero, inaprubahan ng Senado ang panukalang Anti-Terrorism Act of 2020 na layuning palitan ang Human Security Act of 2007.

Ang Panukala

Sa bagong panukalang ito, mas papaigtingin pa ang kapangyarihan ng estado upang sugpuin ang terorismo. Isang bersyon nito ang inaprubahan naman ng Mababang Kapulungan noong nakaraang linggo.

Nakasaad sa nasabing panukala na mahaharap sa 12 taong pagkakakulong ang sino mang lalabag sa panukalang batas. Titiyakin din sa nasabing bill na hindi papahintulutan ang paggamit ng mga banyagang terorista sa bansa bilang transit point, o lugar kung saan maaaring magsanay ang mga terorista.

Duterte, Sinirtipikahan Ng 'Urgent' Ang Anti-Terror Bill 3
Photo Credits: CNN Philippines

Tinanggal din sa naturang bill ang probisyon sa pagbabayad ng P500,000 na danyos sa bawat araw ng pagkakulong ng akusadong mapapatunayang inosente. Subalit, ang bilang ng pagkaka-detain ng isang akusado na inaresto ng walang warrant ay 14 na araw na puwedeng pahabain hanggang sa 10 araw.

Pag proseso ng kaso

Itatatag naman ang piling Regional Trial Courts (RTCs) bilang mga Anti-Terror Courts upang mas mapabilis ang pagproseso sa mga kaso. Papayagan din ang pagtestigo ng mga akusado at testigo sa pamamagitan ng videoconferencing.

Maaari ring makapagsagawa ng 60-day suveillance ang pulis at militar para sa mga pinaghihinalaang terorista, at maaari itong palawigin sa hanggang 30 na araw basta’t may pahintulot mula sa Court of Appeals (CA).

Duterte, Sinirtipikahan Ng 'Urgent' Ang Anti-Terror Bill 4
Photo Credits: Inquirer

Dahil sa pangamabang maaaring umabuso ang mga awtoridad, kailangang ipagbigay-alam sa Commission on Human Rights (CHR) ang sino mang ide-detain na pinaghihinalaang terorista.

Proteksyon sa panukala

Naunang kinuwestyon ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang probisyon sa panukalang nagbibigay pahintulot sa pulis at militar na magsagawa ng 60 araw na surveillance sa mga pinaghihinalaang terorista, at atasan ang mga telecommunications firms na isiwalat ang kanilang mga tawag at mensahe dahil isa aniya itong pamamaraan ng administrasyon upang patahimikin ang mga kritiko.

Pinabulaanan naman ito ng ilang miyembro ng Gabinete at sinabing may karampatang proteksyon sa naturang panukala upang masolusyunan ang mga pangamba.

Duterte, Sinirtipikahan Ng 'Urgent' Ang Anti-Terror Bill 5
Photo Credits: Inquirer

Giit naman ng Department of Nation Defense na sj Secretary Delfin Lorenzana,

“Ang comment ko lang sa mga umo-oppose dito ay wala namang basehan ang kanilang opposition. Binasa ko ang panukalang batas… ‘Yun namang karapatan ng tao ay may sapat na provisions tsaka ‘yung mga law enforcement agencies ay may sapat ding kaparusahan sa mga umaabuso.”

Solusyon

Ayon naman kay Department of the Interior and Local Govenment (DILG) Secretary Eduardo Año,

“Kailangang makapaghanda tayo, very timely na ito para kung bumalik na tayo sa bagong normal, nakahanda na po ang ating mga batas sa pagpapatupad at hindi na po tayo magkaroon ng problema sa terorismo.”

Dagdag pa niya,

“Ito po naman ay para sa kaligtasan ng lahat, pinag-isipang mabuti, at sinisigurado po natin na walang abusong mangyayari.”

Duterte, Sinirtipikahan Ng 'Urgent' Ang Anti-Terror Bill 6
Photo Credits: Inquirer

Samantala, binatikos naman at hindi sang-ayon ang mga Netizens sa pamamagitan ng pagpapakalat ng hashtag na #JunkTerrorBill sa social media.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: