Press "Enter" to skip to content

Duterte to Zamboanga troops: “tulungan ninyo ako to keep the waters in the meantime calm”

Lumipad papuntang Zamboanga kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte upang makausap ng personal ang mga mataas na mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines doon ukol sa Sulu misencounter.

Pakiusap ng pangulo

At dahil sa umiinit na tensyon sa pagitan ng army at kapulisan, nakiusap ang pangulo sa mga sundalo na maging kalmado sa sitwasyon habang lumalakad pa ang imbestigasyon. Sa pakikipagusap nito sa Zamboanga troops, nagpahayag ito ng pag-asa na mahahanap ng National Bureau of Investigation ang katotohanan sa likod ng nangyaring insidente. Sinisiguro ng pangulo na hindi ito bibiguin ng ahensya ng NBI.

Duterte to Zamboanga troops: "tulungan ninyo ako to keep the waters in the meantime calm" 2

“I’m sure that they would not fail me,”

Dagdag pa nito, sinusubok nito alamin kung paano masisigurado sa mga tropa sa Zamboanga na tiyak na mabibigyan ng hustisya ang pagk4m4t4y ng kanilang kabaro sa nangyaring ‘Sulu misencounter.’

“We’re trying to figure out how we can in the meantime do something to give you the assurance that justice will be done.”

Ayon sa pangulo, kung sino man ang may kasalanan sa nangyari ay syang dapat magbayad.

“Kung sino man may kasalanan, then he has to pay for it,”

Pakiusap ng pangulo sa tropa ng mga sundalo sa Zamboanga, manatiling kalmado at hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon.

“I am pleading, nakikiusap ako na tulungan ninyo ako to keep the waters in the meantime calm and we wait for the result of the investigation.”

Paghihiganti

Paalala naman ng pangulo sa mga tropa na tila nagkakatensyon ukol sa kaso at nais makaganti sa mga susp3k na pulis, walang saysay ang paghihiganti dahil hindi nito mababalik ang mga buhay na nawala.

Duterte to Zamboanga troops: "tulungan ninyo ako to keep the waters in the meantime calm" 3
SOLDIER KILLED BY POLICEMEN / JULY 2, 2020 Comrades pay respects during wake at mortuary of Libingan ng mga Bayani in Taguig City for their Captain Irwin Managuelod and Major Marvin Indamnog, two of the four army soldiers who were allegedly gunned by policemen while returning from a intelligence mission in Jolo, Sulu last week. Army commander Lt. Gen. Gilbert Gapay asserted it as a ‘rubout’ INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES

“You want to take revenge? For what? Gusto ko rin pumatay ng pulis? For what? Would it make the four officers come back to life?”

Tunay na kalaban

Pinaalala din ng pangulong Duterte na ang tunay na kalaban ng gobyerno ay ang mga terorista at NPA. Aniya,

“Itong mga pulis na ito, they have a purpose there and we need them. The Republic of the Philippines needs them. Kayo, iyon ang katulong ninyo,”

Intelligence operations

Ayon sa militar, ang mga nasawing sundalo ay nagsasagawa ng intelligence operations nang sila ay lapitan ng mga pulis para sa identity verification. Ayon naman sa spot report ng PNP, ang mga nasabing sundalo ay nagtangka na tumakas at tinutukan sila ng armas.

Relieve sa pwesto

Ayon sa PNP, isa itong sho0ting incident habang para sa Philipline Army, isa itong kaso ng murd3r. Sa kasalukuyan ay nirelieve ng PNP sa pwesto ang siyam na kapulisan na syang sangkot sa insidente. Kasama rin sa natanggal ang hepe ng Jolo Municipal Police Station na si Police Lieutenant Colonel Walter Annayo.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: