Press "Enter" to skip to content

‘Edi Mamatay Na Yan Kung Mamatay’- Delivery Ng Oxygen Tank Para Sa Naghihingalong Pasyente, Ayaw Palusutin Ng Isang Purok Leader

Nauwi sa pakikipag-away ang mag asawang nag dedeliver ng oxygen tank para sa naghihingalong pasyente. Ito ay matapos harangin sa checkpoint ng isang purok leader ang kanilang sasakyan.

Delivery ng oxygen tank

Nangyari ang insidente noong linggo ng umaga sa isang checkpoint sa Zytec Compound Barangay Pasong Tamo, Quezon City. Makikita sa video na ipinapakita ni Gina Romanos at kanyang asawa ang quarantine pass nila para payagang makalusot sa checkpoint. 

'Edi Mamatay Na Yan Kung Mamatay'- Delivery Ng Oxygen Tank Para Sa Naghihingalong Pasyente, Ayaw Palusutin Ng Isang Purok Leader 2

Dala nila ang dalawang oxygen tank na idedeliver umano sa ospital para sa nanghihingalong pasyente. Emergency kung maituturing ang kanilang pagdedeliver dahil pinagmamadali na sila ng nurse na kausap nila.

“Tinext kami ng nurse na kausap namin, sabi na kailangan na ipadala ‘yung oxygen tank kasi naghihingalo na ang pasyente.” ayon sa nag dedeliver na si Louie Bugayong.

Ayaw palusutin

Subalit, ayaw silang padaanin ng mga naka duty sa checkpoint. Ayon sa bantay, bawal lumabas at pumasok sa naturang lugar mula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Nakiusap umano sila ngunit tigas ang pagtanggi ng mga bantay sa checkpoint.

“Tinanong ko yung purok papaano ang deskarte kasi ayaw kasi ayaw kami paalisin. Sabi niya, ‘edi mamatay ‘yan kung mamatay,” kwento pa Bugayong

'Edi Mamatay Na Yan Kung Mamatay'- Delivery Ng Oxygen Tank Para Sa Naghihingalong Pasyente, Ayaw Palusutin Ng Isang Purok Leader 3

Matapos ang mahigit isang oras na pagtatalo ay nakalusot din sa wakas sa checkpoint ang delivery. Ito ay dahil dumating na ang mga opisyal ng barangay upang lutasin ang pagtatalo.

Nakaranas ng diskriminasyon

Balak magsampa ng kaso ang grupo ni Romanos laban sa purok leader. Ito ay dahil sa dalawang beses na umano sila nitong hinaharang. Aniya, nakaranas sila ng diskriminasyon dahil sa nangyari. Kung tutuusin, isa umano sila sa maituturing na frontliners ng bansa ngayong panahon ng krisis. Nais nilang matanggal sa trabaho ang purok leader bilang aral sa ginawa nito sa kanila.

'Edi Mamatay Na Yan Kung Mamatay'- Delivery Ng Oxygen Tank Para Sa Naghihingalong Pasyente, Ayaw Palusutin Ng Isang Purok Leader 4

Hiningan ng pahayag ang nasabing purok leader ngunit tumanggi itong magbigay ng ano mang pahayag. Ayon naman sa mga kaanak nito, napagsabihan na siya ng mga opisyal ng barangay nito lamang Lunes.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: