Press "Enter" to skip to content

Electric Bill Ng Mga “Lifeline Consumers” Ngayong Marso Hanggang Abril Libre Na!

April 15- Ang mga electric bill ng buwan ng Marso at Abril na may konsumo na 50kwh pababa ay libre na. Ito ay bilang tulong sa mga “lifeline consumers” sa gitna na krisis ng COVID-19.

Lifeline Consumers

Lifeline Consumers ang tawag sa may mababang komunsumo ng elektrisidad kada buwan. Ang kosumo nila sa kuryente ay hindi tumataas ng 50 kilowatts kada oras. Ito ay ayon sa deklarasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang tulong na ito ay bukod pa sa grace period na ibinigay noong kasalukuyan ng lock down. Kaya naman ang mga mayroong bill period ng Marso-Abril na mabibilang sa nasabing lifeline consumers ay wala ng babayaran pa. Ito ay upang makatulong sa mga mamamayan na naapektuhan ng malawakang tigil trabaho.

Lifeline Consumers
Facebook

Kasabay nito ay sinabi ni IATF spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang kanilang layunin dito ay upang matulungan ang may 3 milyong mga konsyumers sa buong bansa.

Zero Singil

Matatandaang noong buwan ng Marso, iminungkahi ng isang labor group kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng “zero singil”. Ito ay para sa lahat ng public utilities bunsad ng nangyaring malawakang community quarantine na nagkaroon ng patigil trabaho ng nakararami.

Target

Ayon pa sa IATF target din tulungan ng Pantawid Liwanag ang may tatlong milyong mahihirap na kabilang sa mga kumukunsumo din ng mga electric cooperative.

Kaugnay pa dito, ang IATF ay nabigay ng isang buwang “moratorium” o pag postponed ng pagbabayad para sa kanilang iba pang mga kostumer na kabilang sa kumukunsumo ng nasabing elektrisidad. Ito ay alinsunod sa isinagawang malawakang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Siniguro din naman ng Department of Energy (DOE) na mayroong sapat na supply ng kuryente sa Luzon ayon pa din kay IATF spokesperson Karlo Nograles.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: