Browse By

Ellen Pinatulan Ang Basher Na Nagsabing Maghihiwalay Din Sila Ni Derek Balang Araw

Nagparamdam ng pagkainis si Ellen Adarna sa isang basher na nagbigay ng negatibong komento sa prenup photos nila ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay.

Photo Credit: starcimena.abs-cbn

Kamakailan lang ay nag post nga ng mga larawang talagang nagbigay kilig sa mga fans at agad na nag viral online sina Ellen at Derek sa kani kanilang mgaa social media accounts.

Photo Credits: entertainment.inquirer.net

I hope mali ang judgment ko

Masayang nakipag palitan ng mga comments sa mga netizens na nagpakita ng paghanga sa inilabas na prenup vidoes at mga photos ang aktress na si Ellen Adarna sa kanyang instagram account. Sa palitan ng mga comments ay may isang netizen ang nag comment at sinabing ” Based on my judgment po ha, maghihiwalay din ito after a few years. but hoping na mali yung judgment ko”.

Ellen, hindi nakatiis

Halatang hindi ikinatuwa ni Ellen ang komentong ito kaya hindi natiis ng aktres na hindi gumanti ng komento na, ” Based on my judgment din po ha, mamatay ka rin in a few years. But hoping na mali yung judgment ko,” sabi ng aktres.

Ang paraan ng pasagot ng aktres sa nasabing comment ng basher ay taliwas sa ugali nito na masayang makipag palian ng comments sa kantyng mga tagahanga, kaya naman mahahalata na sya ay hindi natuwa sa kanyang basher.

Photo Credits: newspaper.ph

Netizens, kumampi kay Ellen

Nagpakita ng suporta ang ilang netizens sa sagot ni Ellen at sinasabing deserve ng basher ang sagot ng aktres.Dahil dito ay hindi na nag komento pa ang basher.

Photo Credits: Philstar

Kasalan na ba?

Nag viral ang mga prenup photos na inupload ni Ellen at Derek sa kani kanilangmga social media accounts at ang mga ito nga ay naging trending topic online. Bagamat walang nabanggit sa post, nagkaroon ng mga haka- hakang may nalalapit na na kasalan. May mga haka haka rin na ang kasalanan ay magaganap bago matapos ang taon.

Photo Credits: Philstar

Prenup Shoot

Panoorin dito ang tila panaginip na prenup video ni Derek at Ellen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.