Press "Enter" to skip to content

Enkwentro Ng Abu Sayaff At Militar Sa Sulu, 11 Patay Habang 14 Sugatan

Manila, Philippines – Nagluluksa ang buong hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkamatay ng 11 sundalo matapos maka-engkuwentro ang Abu Sayyaf Group sa Patikul Sulu.

Pag luluksa

Ayon kay AFP Spokesman Marine Brig. General Edgard Arevalo, ipinagutos na ni AFP Chief of Staff General Filemon Santos Jr. ang paglalagay sa half-mast ng watawat ng Pilipinas sa lahat ng kampo militar at detachments sa buong bansa.

Enkwentro Ng Abu Sayaff At Militar Sa Sulu, 11 Patay Habang 14 Sugatan 2
Source: Al Jazeera

Sinabi ni Arevalo, sa kabila ng pagiging abala ng pamahalaan sa giyera kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), patuloy pa ring titiyakin ng militar na hindi magwawagi ang terorismo.

Enkwentrong nangyari

Samantala, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command sinabi ni Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala na nakaengkwentro ng 21st Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa 40 miyembro ng teroristang grupo sa Sitio Lubong, Barangay Danag, Patikul Sulu.

Enkwentro Ng Abu Sayaff At Militar Sa Sulu, 11 Patay Habang 14 Sugatan 3
Source: Rappler

Ayon sa inisyal na ulat na pinangunahan ng mga ASG Commanders na sina Radullan Sahiron at Hatib Hadjan Sawadjaan ang mga terorista.

Nawala mula sa mga tropa ang anim na R4 rifles, isang K3 squad automatic weapon, isang R4 rifle na may nakakabit na 40mm grenade launcher, at isang hand held radio.

Nangyaring pag atake

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito na ang ikalawang beses na naka-engkuwentro ng tropa ng pamahalaan ang Abu Sayyaf matapos ang unang insidente noong Abril 16.

Sinabi ni Roque, walang pinipiling oras at okasyon ang mga kalaban ng pamahalaan kung saan umaatake ang mga ito kahit nahaharap ang bansa sa pandemiya.

Enkwentro Ng Abu Sayaff At Militar Sa Sulu, 11 Patay Habang 14 Sugatan 4
Source: Philstar

Dagdag ng kalihim, magsilbi nawang aral sa lahat ang insidente kabilang sa mga awtoridad na manatiling nakahandang durugin ang mga kalaban ng pamahalaan at sugpuin ang anumang armadong pag-atake sa gitna ng umiiral na state of calamity at public health emergency sa bansa.

Pagkilala sa kabayanihan

Ang mga nasabing magiging na sundalo na pumanaw sa nasabing bakbakan ay sina 1Lt. Rogelio E. Deligero, Jr., S/Sgt Jason P. Gazzingan, Corporals John T Manodom, Mark Dixter U. Montenegro, Rasul B. Ao-As, Ernesto L. Bautista Jr., Benson A. Bongguic, Jomel N. Pagulayan, Premark P. Vallecer, Jiydon T. Usman and Jomar A. Ninalga.

Enkwentro Ng Abu Sayaff At Militar Sa Sulu, 11 Patay Habang 14 Sugatan 5
Source: Inquirer

Samantala, nagpapagaling naman sa kanilang natamong sugat sina S/Sgt Alexander B. Bolesa, Sgt. Oliver Y. Salvador and Corporals Erick A. Curioso, Jesus P. Genora, Apollo D. Papa, Johnday B. Sabaway, Naricso W. Salidad, Jr., Pfc Robert M. Arias, Odit P. Flores, Jaypee L.Maddawing, Solomon T. Ngayak, RJ G. Estiban at Jesrael U. Sapao.

Ayuda at pakikiramay

Samantala, tiniyak naman ng AFP na mabibigyan ng ayuda ang pamilya ng 11 nasawing sundalo at 14 na iba pang nasugatan sa engkuwentro.

Enkwentro Ng Abu Sayaff At Militar Sa Sulu, 11 Patay Habang 14 Sugatan 6
Source: UNTV

Kasabay nito, nagpaabot naman ng dasal at taos pusong pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo na nagsakripisyo para sa kaligtasan ng komunidad.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: