Press "Enter" to skip to content

Entitled Ate Update: Ateng Na Takot Maarawan Na Nambastos Sa Mga Checkpoint Enforcer, Kinasuhan Na!

Tila hindi na back-up an ng kanyang ‘babe’ ang babaeng nag viral dahil sa pambabastos nito sa mga checkpoint officer at paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocol. Kalaboso kasi ito matapos kasuhan ng mga otoridad dahil sa kanyang pag aamok.

Makulit at bastos

Kinilala ang viral na babae bilang si Mickaela Manzon Tahum. Nagsimula ang insidente kaninang tanghali, Mayo 14. Tinangkang pumasok ni Tahum sa isang lockdown area sa Caloocan City, bitbit ang isang malaking bag.

Entitled Ate Update: Ateng Na Takot Maarawan Na Nambastos Sa Mga Checkpoint Enforcer, Kinasuhan Na! 2

Nagpupumilit lumusot ang suspek kahit pinipigilan siya ng mga otoridad. Galit na galit si Tahum na siya ay sitahin at pigilan makapasok. Aniya, mag aabot lamang siya ng bag sa kung kanino man sa loob. Katwiran pa niya, malapit lang ang kanyang pupuntahan kung kaya dapat siya palusutin sa checkpoint.

Lumabag sa protocol

Hindi pumayag ang mga otoridad dahil bawal ito sa protocol. Wala din suot na face mask ang suspek ng lumabas at wala rin maipakita na quarantine pass na dumagdag pa sa bilang ng kanyang paglabag sa nasabing protocol.

Entitled Ate Update: Ateng Na Takot Maarawan Na Nambastos Sa Mga Checkpoint Enforcer, Kinasuhan Na! 3

Doon na nagsimulang mag alma ang suspek at pinagmumura ang mga otoridad. Aniya binastos siya ng mga ito at ayaw magpadaan kahit napakalapit lang ng kanyang pupuntahan. Aniya, babae siya at buntis pa kaya hindi siya dapat bastusin.

Bigo si ‘babe’

Tumawag ito sa kanyang ‘babe’ para tulungan siya nito dahil binabastos umano siya kahit kita naman sa video na pinipigilan lamang siya sa nais niyang mangyari. Aniya, hindi siya natatakot kahit i-video pa siya ng mga ito. Nagtangkang umalis ng suspek ngunit hindi na ito pinayagan ng mga otoridad.

Entitled Ate Update: Ateng Na Takot Maarawan Na Nambastos Sa Mga Checkpoint Enforcer, Kinasuhan Na! 4

Tila walang bisa ang tulong ng kanyang ‘babe’ dahil kinasuhan na ito ng mga otoridad. Nahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa Article 151 ng RPC, Alarm and Scandal at Unjust Vexation.

Galit na galit ang mga netizen sa suspek dahil ginagamit pa umano nito ang pagiging babae para lamang makalusot sa batas. Hiling ng marami ikulong agad ang suspek ng matuto ng leksyon.

Cops arrest woman who defied community quarantine in Caloocan

BABAE arestado matapos nakipagmatigasan sa pulis nang ito ay sinita na naglalakad sa East Service Rd., Brgy. 156, Bagong Barrio East, Caloocan na walang facemask at quarantine pass.Ang babae na nakilala sa pangalang Mickaela Manzon y Tahum ay haharap sa kasong paglabag sa Art 151 of the Revised Penal Code, Alarm and Scandal & Unjust Vexation.Kasalukuyang isinailalim sa dalawang araw na "total lockdown" simula Miyerkules ang Caloocan matapos makapagtala ng pagtaas ng kasu ng Covid-19 dito.

Posted by NG Starnews Masbate on Thursday, May 14, 2020

Source: NG Starnews Masbate

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: