Press "Enter" to skip to content

Estudyante, Inararo Ng Isang Jeep Habang Tumatawid Sa PedXing

Nakuha sa isang CCTV footage sa Maynila ang pag-araro ng isang jeep sa isang estudyante na patawid sa pedestrian lane kahapon, Marso 4.

Kagimbal-gimbal

Isang nakagigimbal na video ang kumakalat ngayon sa Facebook na kung saan ay pinost ng netizen na si Mac Flores ang insidente na naganap sa Aurora, Blumentritt kahapon.Sa video ay makikita ang pagtigil ng isang jeep mismo sa pedestrian lane para mag-load ng pasahero. Maya maya pa ay makikita ang dalawang babaeng estudyante na patawid sa tamang tawiran.

Estudyante, Inararo Ng Isang Jeep Habang Tumatawid Sa PedXing 1

At dahil nakatigil ang isang jeep sa pedestrian lane, ang jeep sa likod nito ay nag-over take na syang saktong nakahagip sa dalagang estudyante.

Ngunit hindi pa inihinto kaagad ng drayber ng jeep ang sasakyan nang mahagip nito ang estudyante na syang nagdulot na magulungan pa nito ang kaawa-awang babae.

Estudyante, Inararo Ng Isang Jeep Habang Tumatawid Sa PedXing 2

Matapos ang nakagugulat at nakagigimbal na pangyayari ay nagsimula nang magtakbuhan ang mga tao sa lugar upang matulungan ang estudyante.

Insidente sa kalye

Sa isa pang video ay makikita ang dalaga na napapalibutan ng mga concern na samaritan habang tinutulungan ang mga local officers para mabigyan ito ng paunang lunas.

Sa video ay makikitang inihahanda ito na ilagay sa stretcher na kung saan ay kapansin pansin na tila napuruhan ang dalaga sa likod na parte ng katawan. Tila hindi ito makagalaw at nakadilat lamang ang mga mata ng biktima habang ito ay inaasikaso ng mga tumutulong.

Estudyante, Inararo Ng Isang Jeep Habang Tumatawid Sa PedXing 3

Maya maya pa ay dumating ang isang ale na nakasuot ng pulang tshirt at histerikal na tinawag ang biktima. Marahil ito ang magulang ng dalaga. Aniya,

“Bunso, ano ang nangyari sayo!”

Estudyante, Inararo Ng Isang Jeep Habang Tumatawid Sa PedXing 4

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pagkakakilanlan ng biktima at ng jeepney driver na nakab4nGg4. Wala pa ding balita kung ano na ang naging lagay ng dalaga matapos ang insidente na ito.

Pro-modernization

Hindi pa man nakakausad ang mga netizens sa parehong insidente na naunang naganap sa Makati na kung saan ay inararo ng isang jeepney driver ang mga estudyante habang patawid sa pedxing, ay isa na namang parehong kaso ang nangyari.

Ayon sa netizens ay dapat na maturuan ng leksyon ang mga ganitong driver at tuluyan na tanggalan ng probilehiyo na makapag-pasada pa.

Hinaing din ng mga netizens ang pagiging kaskasero ng madaming jeepney drivers kaya naman ay marami ang sumisigaw ng pro-jeepney modernization.

Source: Facebook Mac Flores

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: