Press "Enter" to skip to content

Estudyante Ng Mapua, Umaakyat Pa Ng Bundok Para Humanap Ng Signal Makapagpasa Lang Ng Requirements Sa Paaralan

Isang estudyante sa Masbate ang umaakyat ng bundok ng kung ilang beses sa loob ng isang linggo. Ito ay para lamang magpasa ng mga requirements sa kanilang paaralan.

Paghahanap ng signal

Kahit gabi umaakyat ng bundok ang estudyanteng si Franz Berdida upang sumagap ng signal. Ito ay para umano makapagpasa ng mga takdang aralin na requirements sa kanilang paaralan. Nakatira sa Burias Island, Masbate si Berdina ngunit nag aaral siya sa Mapua University.

Estudyante Ng Mapua, Umaakyat Pa Ng Bundok Para Humanap Ng Signal Makapagpasa Lang Ng Requirements Sa Paaralan 2
Photo credit: Franz Berdida

Ayon sa ulat, maraming beses sa loob ng isang linggo kung umakyat ng bundok si Berdida. Kahit kagabihin ay hindi nito alintana, makapagsumite lang ng mga kailangan sa paaralan. Mahina umano ang signal sa kanilang bahay kung kaya napipilitan siyang maghanap ng mas malakas kasehodang umabot pa siya sa bundok.

Pag akyat ng bundok

Kitang kita sa video na nakaupo si Berdida habang bitbit ang cellphone at nakaharap sa laptop. Madilim at posible ring malamok ang kinaroroonan niya. Maririnig naman sa  video ang pakiusap ng kayang kasama na sana ay lumakas na ang signal. Pagod at naiiyak na umano si Berdida dahil sa hindi ito makasagap ng maayos na signal.

Estudyante Ng Mapua, Umaakyat Pa Ng Bundok Para Humanap Ng Signal Makapagpasa Lang Ng Requirements Sa Paaralan 3

Kada panhik ay umaabot ng 30 minuto hanggang 1 oras ang ginugugol ni Berdida. Hindi birong sakripisyo ito para sa isang estudyante lalo na at siya ay babae. Simula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ noong Marso 14, ay ginagawa na umano ito ni Berdida.

E-learnings

Dahil sa ipinatupad na lockdown sa buong bansa ay natigil ang pagpasok ng mga estudyante. Dahil dito, maraming nabinbin na aralin na kailangan nilang habulin. Isa sa paraan ng naisip ng DepEd ay ang e-learning o virtual na pag aaral. Mabibigay ng aralin ang mga guro at kailangan pag aralan at ipasa ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa pamamagitan ng electronics.

Estudyante Ng Mapua, Umaakyat Pa Ng Bundok Para Humanap Ng Signal Makapagpasa Lang Ng Requirements Sa Paaralan 4

Maganda man ang hangarin, hindi pa rin maiwasan na marami sa mga mag-aaral ang mahirapan sa ganitong sitwasyon. Ito ay dahil hindi handa ang mga mag-aaral sa ganitong klase ng pag aaral. Higit sa lahat, hindi lahat ay maswerteng may access sa internet.

Panoorin dito ang nasabing video:

YouScoop: Estudyante, umakyat pa sa bundok para magpasa ng requirement sa schoolBASAHIN:…

Posted by GMA News on Wednesday, April 29, 2020

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: