Press "Enter" to skip to content

Estudyanteng Nakatanggap Ng 5k Allowance, Binigyan Ng Bigas Ang Mga Kapitbay

Nag viral ang Facebook post ng isang nanay tungkol sa kanyang anak. Ibinili kasi nito ng bigas ang perang natanggap niya bilang allowance sa pagiging scholar sa Central Bicutan, Taguig City. Bibigyan niya pala ng bigas ang kanilang mga kapitbahay.

Huwarang anak

Sobrang proud si ginang Yolanda Verceles dahil sa ginawa ng kanyang anak na si Vince. Nagulat na lang daw sya nang sabihin ni Vince sa kanya na bibili ito ng bigas na ipapamigay sa mga wala pang natanggap na ayuda galing sa gobyerno.

Estudyanteng Nakatanggap Ng 5k Allowance, Binigyan Ng Bigas Ang Mga Kapitbay 1
Photo credits: Yolanda Oribiana Verceles 

First year college si Vince, nakatanggap siya ng allowance galing sa kanilang Mayor bilang isang scholar. Sa P5,000 na natanggap nya, kumuha lang daw ito ng P1,500 at binigay niya na ang iba sa kanyang nanay.

Kwento ni Nanay Yolanda na noong gabing iyon,

“Di daw sya makatulog ng maayos, di sya mapakali, gusto nya tumulong sa abot ng makakaya nya.”

Kinabukasan nga ay nakita na lang niya na may binili ng bigas si Vince. Ang 25 na kilong bigas ay hinati-hati nya sa tig-iisang kilo na ipapamigay niya sa mga kabitbahay na walang-wala.

Nakakataba ng puso

Ayon kay Nanay Yolanda,

“Nakakataba ng puso gumaan pakiramdam ko. Sobrang saya ko po kasi kahit sino namang pong magulang pag makikita mo anak mong ganyan matutuwa ka.”

Estudyanteng Nakatanggap Ng 5k Allowance, Binigyan Ng Bigas Ang Mga Kapitbay 2
Photo credits: Yolanda Oribiana Verceles 

Bilang isang ina ang ganda ng pakiramdam dahil may anak akong mabait at marunong sa kapwa, siguro kung may trabaho siya at may malaking sweldo hindi lang ito ang maibibigay niya. Nang matapos kaming mamigay nakita ko sa mukha niya ang saya dahil sa mga naririnig nya “Thank you at Salamat” ay nakakaluwag na sa puso.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: