Press "Enter" to skip to content

Eto Na! Cayetano Idinetalye Kung Paano Makukuha Ang 5k-8k Na Cash Assistance

Alinsunod sa anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, magbibigay ng P200 bilyon na tulong ang administrasyon para sa 18 milyong pamilyang apektado ng krisis dulot ng COVID-19.

Ngunit kasama nito ang katanungan ng lahat: “Paano nga ba makakarating sa atin ang cash assistance?” Sagot ni Speaker Alan Peter Cayetano, ihahatid namin bahay-bahay!

Sino makakakuha

Sa humigit 25 milyon na Filipino families ngayon, 6.6 milyon ang nasa “formal sector” o ang mga may trabaho, nagababayad ng personal o business income tax, may SSS at may GSIS. Itong mga mamamayan na ito ay may nakalaang ibang economic stimulus na naaayon sa estado ng kanilang pamumuhay.

Eto Na! Cayetano Idinetalye Kung Paano Makukuha Ang 5k-8k Na Cash Assistance 2
Photo credit: SmugMug

Samantala, sa natitirang 18 million Filipino families na either self-employed, walang trabaho o no work no pay, kinakailangan ang agarang tulong at ayuda galing sa gobyerno. Sila ang mga paglalaanan ng P200 bilyon na budget.

Paano makukuha

Ayon kay Speaker Cayetano, sa 18 milyon na pamilya, 4.4 milyon nito ay napapaloob sa conditional cash transfer ng ayuda. Ibig sabihin, i-totop up or idadagdag lang ito sa present manner ng distribution ng pera sa kanila tulad ng paghulog sa ATM.

Eto Na! Cayetano Idinetalye Kung Paano Makukuha Ang 5k-8k Na Cash Assistance 3
Photo credit: ABS-CBN News

Sa 13.6million naman na hindi under sa conditional cash transfer, ipapaabot daw sa kanila ang ayuda through house to house o iisa-isahin silang pupuntahan sa bahay at bibigyan ng pera. Ito’y upang  maiwasan ang malaking crowd sa gitna ng community quarantine.

Representatives

Limang representatives ang magsasama-sama at maghahatid nito. Kasama rito ang pulis, LGU, barangay officials, home-owners association o urban poor association, at kongresista.

Eto Na! Cayetano Idinetalye Kung Paano Makukuha Ang 5k-8k Na Cash Assistance 4
Photo credit: YouTube

“As far as the distribution system is concerned, this can be done very quickly,” saad ni Cayetano. May listahan na rin daw ang LGUs ng poorest of the poor at sila ang unang mabibigyan ng tulong.

“I know we will be receiving a lot of comments na technicalities, di gaano kadali kukunin ung cash, etc. Pero asahan niyo po na nag-eecho sa bawat kawani ng gobyerno ang sinabi ng ating pangulo at sinabi nya sa mga tao na wag kayo matakot, government is here and we’re only here if we can deliver,” pangako niya.

Narito ang YouTube video ni Speaker Cayetano para sa karagdagang detalye:

Source: YouTube

One Comment

  1. Cristina Tura Cristina Tura April 3, 2020

    How about pensioner sa sss makakatanggap din po ba

Leave a Reply

%d bloggers like this: