Nang manalasa ang Bagyong Enteng, 43 pamilya ang nasalanta at 14 na bahay sa Quezon City ang natangay ng tubig baha na nagtulak sa 28 pamilya na magevacuate. Dahil dito, nangangamba tuloy ang mga lumikas na baka mahawaan sila ng sakit na COVID-19 sa kasalukuyang pinamamalagan na evacuation center.
Ang sinapit ng mga nasalanta
‘’Hala wala na, kawawa naman sila!”
Ito ang sambit ng isang residente ng makuhanan sa kayang video ang tila pag-guho ng mga bahay sa Kamuning, Quezon City dahil sa matinding pag-buhos ng ulan. Dahil pa sa rumaragasang tubig, ang mga bahay ay tuluyan nang inanod.

Ang bahay ng mga residente na nakahilera malapit sa gilid ng creek ay hindi na halos makita dahil na-wash out na ng baha.
Pagkabahala ng mga lumikas
Apat na araw matapos ang trahedyang nangyari, mahigit sa 40 pamilya ngayon ang nanunuluyan sa Brgy. Kamuning evacuation center. Hinati-hati ang mga pamilya gamit ang mga modular tent.
Pangamba ni Cherry Apolonio, isang evacuee,
“Ang nakakatakot pa po kasi ay may pandemic tapos ganito ang sitwasyon namin. Nakakatakot para sa mga bata at sa amin.”

Tugon naman ni Armida Castel, Brgy. Chairman sa Kamuning, Quezon City
“Hindi pa natin alam kung ano yung magiging situation kung ano ang magiging assessment ng NHA. Kung hindi maayos ang panahon kaya’t talagang mananatili pa po muna sila dun sa tent, hangga’t di pa po sila nabibigyan ng maayos na matitirahan o malilipatan.”

Kalbaryo sa evacuation
Ayon sa Molecular epidemiologist ng UP COVID Pandemic Response team, Mary Grace Dacuma, posibleng makakuha ng iba’t ibang uri ng sakit ang mga taong nasa evacuation center.
Aniya, kailangan ng mga lumikas na dumaan sa COVID-19 testing upang malaman kung mayroon ba sa kanila ang walang clinical manipestation of disease o asymptomatic sa virus. Dahil kung hindi raw ito isasagawa, baka mas dumami pa ang bilang ng positibong kaso ng sakit. Ang mas ikinababahala pa, ay ang mga vulnerable sa sakit tulad ng mga matatanda at ang mga may kasalukuyang sakit na o kapansanan.

Pahayag ng barangay, anila’y nadisinfect naman ang evacuation center at ang mga modular tents bago ipalikas ang mga residente. Nagbigayan naman narin sila ng mga vitamins at mga facemask. Sa ngayon daw ay patuloy ang pagmomonitor ng barangay sa mga evacuees.
Ngunit hiling ng mga lumikas, bigyan na sila ng matutuluyan ngayon pa lang dahil baka hindi nila mamalayan ay mayroon na silang dala-dalang sakit na COVID-19.
Panoorin ang buong ulat:
Source: Stand For Truth
Be First to Comment