Press "Enter" to skip to content

Ex Major Na Doktor Walang Dala! Nambuntis Uli Ng Pasyente, Sabay Pinagbantaan Ang Buhay

Strike five na ang dating PNP major at doktor kay idol Raffy dahil tila walang kadala dala ito. Nambuntis na naman ito ng kanyang pasyente, pagkatapos ay pinagbantaan ang buhay nito.

Matinik na ex major

Ayon sa biktima na si “Katherine”, nagkaroon sila ng relasyon ni Dr. Khaimar Jumdain noong Disyembre ng nakaraang taon. Pagdating ng Enero ay nabuntis na ng doktor si Katherine. Handa umano naman itong panagutin ang batang nasa sinapupunan nito ngunit kapalit ay kailangan ni Katherine na magpa convert muna ito sa pagka muslim.

Ex Major Na Doktor Walang Dala! Nambuntis Uli Ng Pasyente, Sabay Pinagbantaan Ang Buhay 2

Pagdating ng Pebrero, naghiwalay na ang dalawa dahil sa ugali umano ng doktor na mahilig mambanta sa buhay ng iba. Pati umano mga bashers nito ay pinagbabantaan ang mga buhay nito.

Pagbabanta ni dok

Matapos maghiwalay ng dalawa, pinagbabantaan na umano ni Jumdain ang kanyang buhay. Nais nitong kunin ang batang nasa sinapupunan pa ni Katherine. Minsan pa umano ay sumugod ito sa bahay ni Katherine at nagwala ito habang may dalang baril. Mabuti na lamang at natimbrehan na ni Katherine ang security nila.

Ex Major Na Doktor Walang Dala! Nambuntis Uli Ng Pasyente, Sabay Pinagbantaan Ang Buhay 3

Minsan din umano ay minolestiya nito ang anak ni Katherine. Dagdag pa dito, kinakalat pa umano nito ang kanilang s3x video. Pina blotter na niya si Jumdain ngunit hindi pa rin ito tumigil sa pang haharass.

Patong patong na kaso

Ayon sa abogado na si Freddie Villamor, gumugulong na ang mga naunang kaso laban sa doktor. Naantala lamang ito dahil sa nangyaring lockdown. Ngayon, dahil sa reklamo ni Katherine, napatungan na naman ito ng bago pang kaso. Matapos matanggal sa pwesto bilang Major sa PNP, nais naman ni idol na tanggalan ito ng lisensya sa pagka doktor.

Ex Major Na Doktor Walang Dala! Nambuntis Uli Ng Pasyente, Sabay Pinagbantaan Ang Buhay 4

Muli ay nagpaalala si idol Raffy sa mga kababaihan na huwag na huwag papayag na kuhanan ng video ang ginagawa nilang pakikipagtalik. Dahil sa huli, sila din palagi ang dehado. Ang nangyari umano sa kaso ni Katherine ay tila panggagayuma dahil sa maiksing panahon ay naging sunod sunuran ito sa doktor.

Matatandaan na ilang beses na itong naireklamo sa programa ni idol Raffy dahil sa parehong kaso. Kahit mismo ang dating asawa nito ay inireklamo ito dahil sa pananakit. Bukod sa death threat at harrasment ay maari itong makasuhan ng child abuse dahil sa pang momolestiya nito sa anak ni Katherine.

Source: Youtube Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: