Press "Enter" to skip to content

Factory Workers Humihingi Ng Tulong Kay Idol Raffy

35 na mga factory workers ang umaasang makahihingi ng tulong mula kay Sir Raffy Tulfo. Inirereklamo nila ang kanilang pinapasukang factory sa Valenzuela City dahil sa ilang mga kadahilanan.

Mga reklamo

Ayon sa Facebook post ni Julie Mimay Pantila nitong Mayo 25, ang kanilang sinasahod ay hindi man lang umabot sa minimum wage. 7 (am) to 7 (pm) o Dose oras kada araw ang kanilang pasok at aniya, wala silang overtime at night differential pay. Wala din silang nakukuhang mga benepisyo at maging payslip ay hindi din sila nabibigyan.

Factory Workers Humihingi Ng Tulong Kay Idol Raffy 2
Photo Credit: Julie Mimay Pantila

“Sa pera lang po sinusulat ang pasahod sa amin,” dagdag pa niya.

Nasa 30% hanggang 50% lang diumano ang dagdag na bayad sa kanila tuwing holiday at kahit pa masama ang pakiramdam nila, kailangan pa din daw nila pumasok dahil stay in naman daw sila.

“Bukod pa po jan dagdag pa po ang mga salita na binitiwan ng secretary namin dito ngayong lockdown.”

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Julie ukol sa kung anong mga nasabi sa kanila ng sekretarya ng factory.

Ang kanilang naging aksyon

Ilang araw bago ang Facebook post ni Julie, tila hindi na natiis ng ilan sa kanila ang hirap na dinadanas kaya’t ang mga kalalakihan sa grupo ay naglakad patungong TV5 noong Mayo 19 sa pag-asang malapitan nila nang personal si Sir Raffy. Makikita sa mga video, na kasama sa post ni Julie, ang kanilang naging kalagayan at pagod sa paglalakad mula Valenzuela hanggang sa makarating sila sa Kamuning, Quezon City. Nabigo sila sa kanilang pakay ng paalisin sila diumano ng pulis pagdating nila sa TV5.

Factory Workers Humihingi Ng Tulong Kay Idol Raffy 3
Source: Julie Mimay Pantila

Panawagan

Humihingi sila ng tulong mula sa mga netizen upang maiparating ang kanilang mga hinanaing kay Idol Raffy. Sa kasalukuyan, ang post ni Julie ay mayroon ng 5.5K na shares at 8.4K na ang nag react sa naturang post.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: