Press "Enter" to skip to content

Fan Page Ng Mga Sikat Na Artista, May Gustong Bumili

Nag trending sa social media ang post ni Anne Curtis sa kanyang Instagram tungkol sa mga nag papadala ng mensahe sa kanya upang bilhin ang kaniyang mga social media fan page na may higit kalahating milyong followers.

Facebook page for sale

Kamakailan lang ay kumalat sa Facebook ang mga nag bebenta ng mga Fan Pages na may libu-libong likes at followers.

Fan Page Ng Mga Sikat Na Artista, May Gustong Bumili 2
Photo Credits: Raine Genevieve Dela Cruz/Facebook Market Place

Kadalasan ay inaalok ito sa mga onlline sellers upang mag karoon agad sila ng mas malawak na range ng customers. Kadalasan rin sa bumibili ng ganitong page ay mga nag uumpisang sellers upang hindi na sila mahirapan mangalap ng likes at followers.

Ngunit hindi lamang mga online sellers ang mga naghahanap ng ganitong mga fan page pati na rin mga iba’t-ibang grupo o supporters ng mga artista o pulitiko.

Mga artistang inalok na magbenta

Ibinahagi naman ni Anne Curtis sa kanyang Instagram account na siya ay pinadalhan ng mensahe na nag aalok na bilhin na lamang ang kanyang fan page. At pati na rin ang artistang si Bea Alozo ay nakatanggap ng mga ganitong klaseng mensahe galing sa kanyang mga supporters na handlers ng kanyang mga fan page.

Fan Page Ng Mga Sikat Na Artista, May Gustong Bumili 4
Photo Credits: News5/Facebook

Ayon sa mensaheng natanggap ni Anne,

“Hi there! I just want to ask. Are you willing to sell your fan page to us? We are actually looking for pan pages to wanted to sell their pages. We can negotiate the price. We’ll wait for yout reply, thanks!”

At ang tanging nasabi lang ni Anne ay,

“Lol no!”

Tila nagdala naman ang mga ganitong mensahe kay Bea Alonzo ng pagkalito at pag dududa kung bakit nais bilhin ang kanyang fan page.

Ayon kay Bea,

“Had to post this, woke up to these messages from my supporters. I wonder why these people would offer to buy these accounts all of a sudden? For what?”

Dagdag pa ng isa sa supporters ni Bea na may hawak ng isa sa mga fan page accounts niya ay tila halos lahat ng fanpages niya ay nakakatanggap ng parehong mensahe na nais bilhin ang kaniyang mga pages.


Pahayag ng isang sa mga supporters ni Bea,

Fan Page Ng Mga Sikat Na Artista, May Gustong Bumili 5
Photo Credits: Bea Alonzo/Facebook

“I think trolls po doing this to make their lives easier and get more money. Don’t worry Ms. Bea. We will never leave you. ”

Ayon pa kay Bea ay napag-alaman niyang hindi lamang siya ngunit marami pa raw mga artista ang nakakatanggap ng mga ganitong offers.

Ayon naman sa ilang mga netizens ay tila lumang tugtugin na raw at tila nag papapansin lamang ang mga artista sa biglaang pag popost ng mga ito patungkol dito.

Source: News5

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: