Press "Enter" to skip to content

FB Live Ng Paliligo Ni Mr. Pogi Kasama Ang Dalawang Chicks, Nahuli Ni Misis!

Ngingit sa galit ang isang misis dahil sa napanood na Facebook live kung saan naliligo ang kanyang mister sa banyo habang may kasamang dalawang babae. Sa galit ay isinumbong niya ito sa programa ni Raffy Tulfo upang maaksyunan.

FB live ng paliligo ni mister

Ayon sa nagrereklamong misis na si Frances Lafuente Palentinos, matagal na umanong nambababae ang kanyang mister na si Mark Escaro Palentinos, na isang OFW sa bansang Saudi. Taong 2018 pa umano niya unang nahuli sa kalokohan si mister subalit ngayon lang siya napuno ng husto dahil sa nakitang video.

FB Live Ng Paliligo Ni Mr. Pogi Kasama Ang Dalawang Chicks, Nahuli Ni Misis! 2

Makikita sa video na naliligo si Mark sa isang banyo kasama ang dalawang babae. Tuwang tuwa pa ang mga ito habang live na napapanood ng marami ang kanilang ginagawa. Kapansin pansin din sa video ang ginawa ng isang babae na paghilod sa kanyang “bulaklak” sa harap mismo ni Mark at ng mga nanonood.

Tila hindi naman nila alintana ang kung ano man ang sasabihin ng asawa ni Mark kung sakaling mapanood nito ang video. Tuwang tuwa pa ang mga ito habang nagtatampisaw sa tubig.

Palusot ni mister

Ang masakit pa nito, ng komprontahin ni Frances ang babae ay ito pa umano ang galit. Sinabihan pa umano siya nito na sa papel lang sila mag asawa ni Mark. Isa pa umanong reklamo ni Frances ang hindi maayos na pagbibigay ng suntento ni Mark. Nang hingan niya umano ito ay sinabihan pa siyang bahala na siya sa kanyang buhay.

FB Live Ng Paliligo Ni Mr. Pogi Kasama Ang Dalawang Chicks, Nahuli Ni Misis! 3

Depensa ni Mark, wala naman silang ginagawang masama ng mga babae. Nagkataon lamang umano na kakaunti ang banyo sa kanilang tinutuluyan kung kaya nagsabay na sila ng mga ito. Hindi rin umano siya mag isang lalaki roon, nagkataon lang na hindi kasama sa video ang mga ito. Katwiran pa ni Mark, akala niya ay simpleng video lang iyon at hindi FB live.

Pag atras ni misis

Ayon kay idol Raffy, mabigat ang kasong haharapin ni Mark. Hindi man siya agad makasuhan dito sa bansa ngunit maaaring makulong naman siya sa Saudi dahil sa video. Kilala ang Saudi Arabia bilang konserbatibong bansa kung kaya mabigat ang kaparusahang haharapin niya kung sakaling ituloy ni Frances ang reklamo.

Nung una ay desidido si Frances na ipakulong si Mark dahil sa ginawa nito. Kung kaya sabi ni idol Raffy ay kailangan makauwi agad ng bansa si Mark upang maiwasan na makulong sa Saudi. Subalit sa naging pag-uuusap ng mag asawa sa likod ng camera, pinatawad din ni Frances si Mark.

Ipinaalam nito kay idol Raffy na hindi na niya itutuloy ang demanda dahil napatawad na niya ito. Sabi pa niya, nadala lamang siya ng galit at gusto lang niyang takutin si Mark kaya nagawa niyang magsumbong sa programa.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: