Press "Enter" to skip to content

FDA, Aprubado Na Ang Pag Gamit Ng Chinese Traditional Medicine Kontra COVID-19

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag gamit ng traditional Chinese medicine na tinatawag na Lianhua Qingwen. Ito ay kapsula na ginagamit sa China para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na may mild to moderate na simtomas.

Aprubado sa ibang bansa

Ayon sa Chinese Embassy, ang naturang gamot ay ginagamit din ng mga bansang Brazil, Indonesia, and Canada. Umaasa ang China na ang naturang gamit ay maiibsan at mababawasan ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

FDA, Aprubado Na Ang Pag Gamit Ng Chinese Traditional Medicine Kontra COVID-19 1

Ngunit nilinaw FDA na ito ay inaprubahan lamang bilang isang traditional medicine at hindi ito gamot para sa COVID-19 o iba pang sakit. or other diseases. Dagdag pa ng FDA na kinakailangan pa rin ang preskripsyon mula sa dalubhasang doktor bago ito inulmin.

Pag linaw ng FDA

Mariing pinabuluanan ng FDA na magpa hanggamg ngayon ay wala pang naaprubahan na gamot o bakuna kontra COVID-19. Pinaalalahanan naman ang publiko na huwag basta bumili basta-basta ng produkto online lalo na’t yalamak ang bentahan nito sa black market.

FDA, Aprubado Na Ang Pag Gamit Ng Chinese Traditional Medicine Kontra COVID-19 2

Ayon pa sa FDA, kahit pa umano may kaparehas na pangalan ng naturamg gamot ay huwag pa ring maging kumpyansa dahil ito ay kinakailangan ng reseta mula sa doktor para sa saktong dosage ng naturang traditional medicine.

Sputnik-V ng Russia

Samantala, ayon naman sa naging pahayag ni Usec Domingo ng FDA, kaniyang sinabi na kapag mayroon nang gamot ay maari nang agad mag-apply para marehistro na ito. Kung sakaling magkaroon ng magandang resulta ang kahit isang bakuna na sumasailalim ngayon sa clinical trial phase 3 ay maaprubahan na ito at posibleng magamit na anumang oras.

FDA, Aprubado Na Ang Pag Gamit Ng Chinese Traditional Medicine Kontra COVID-19 3

Gayunman, kailangan aniyang matiyak na ang nasabing bakuna ay ligtas at epektibo matapos ang phase 3. Ayon pa kay Domingo, hindi lamang ito dapat gawin sa Pilipinas kundi sa iba pang mga bansa na nasa phase 3 trial na ng kani-kanilang mga dini-develop na bakuna.

Sa ngayon ay halos mayroon ng mayroong 168 candidates ng bakuna kontra COVID-19 na idini-develop worldwide. Sa mga ito, ay anim na ang umabot sa Phase 3 ng kanilang clinical trials.

Source: PTV News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: