Press "Enter" to skip to content

FDA, Nagbabala Ukol Sa ‘Misbranded’ Face Masks

Nagpaabot ng babala ang Food and Drugs Administration sa publiko at mga healthcare professionals ukol sa misbranded na face masks. Alinsunod ito sa patuloy na pag-iiral ng pagsusuot ng face masks sa lahat ng pampublikong lugar upang maiwasan ang lubos na pagkalat ng virus.

Misbranded

Ayon sa pahayag ni FDA Director General and Health Undersecretary Eric Domingo sa GMA News Online, tanging pinapayagan lamang sa bansa ay ang mga produktong may label na nakasulat sa salitang Ingles at Filipino. Sa mensahe nito, hindi pinapayagan ang mga produktong hindi naka-label sa salitang Ingles at Filipino.

FDA, Nagbabala Ukol Sa 'Misbranded' Face Masks 2

“Bawal sa Pilipinas ang branding na hindi English or Filipino,”

Tinukoy naman ng FDA sa pamamagitan ng advisory post ang mga misbranded na face masks na syang may label na foreign characters.

  1. Misbranded Fu Le Bang Disposable Mask in foreign characters
  2. Misbranded Mask in foreign characters
  3. Misbaranded Flag World Face Mask in foreign characters.

FDA Act of 2009

Ayon sa FDA Act of 2009, ang isang device ay maututuring na misbranded kung mayroong alinmang salita, statement, o other information na hindi malinaw para sa konsyumer.

Dagdag pa riyan, ang paggamit, pagbebenta, pamimigay, pag-export, pagpromote, pag-advertise, o pagiisponsor sa mga misbranded items ay ipinagbabawal ng batas. Sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno, isinisiguro ng FDA na ang mga misbranded face masks na natukoy nito ay hindi mabebenta sa merkado.

Pinaalalahanan din ng FDA ang Bureau of Customs na pigilan ang pagpasok ng mga ito sa bansa.

Pag-iingat

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid-19 sa bansa, mahigpit na paalala ng pamahalaan ang tama at madalas na paggamit ng face masks lalo na sa mga pampublikong lugar. Ang regular na pagsusuot ng face masks kasama ng face shield ay maituturing na malaking kontribusyon ng bawat isa sa pagpigil ng pagkalat ng virus. Gayunman, upang mas maging epektibo ito, nararapat na tama ang paggamit nito at lehitimong brand ang gamitin.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: