Press "Enter" to skip to content

FDA, Susuriing Maigi Ang Sputnik-V Kontra COVID-19 Mula Russia

Manila, Philippines – Sa naging pahayag ng Food and Drug Administration Director General at Health Usec Eric Domingo, “Best case scenario” na ang pagkakaroon ng bakuna kontra coronavirus disease sa Disyembre.

Clinical Trial

Ayon kay Domingo, kapag mayroon nang gamot ay maari nang agad mag-apply para marehistro na ito sakaling magkaroon na ng magandang resulta ang kahit isang bakuna na sumasailalim ngayon sa clinical trial phase 3.

FDA, Susuriing Maigi Ang Sputnik-V Kontra COVID-19 Mula Russia 2

Gayunman, kailangan aniyang matiyak na ang nasabing bakuna ay ligtas at epektibo matapos ang phase 3.

Ayon pa kay Domingo, hindi lamang ito dapat gawin sa Pilipinas kundi sa iba pang mga bansa na nasa phase 3 trial na ng kani-kanilang mga dini-develop na bakuna.

Hindi pa rekomendado ng DOH

Nauna nang inanunsyo ni Russian President Vladimir Putin na ang Russia ang unang bansa na mayroon nang bakuna laban sa COVID-19 at tinatawag na Sputnik V.

FDA, Susuriing Maigi Ang Sputnik-V Kontra COVID-19 Mula Russia 3

Sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III, na hindi pa ito inirerekomenda dahil kailangan ng Pilipinas na mas marami pang impormasyon ukol sa COVID-19 vaccine ng Russia bago ito bigyan ng go-signal.

Matatandaan kahapon ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng tanungin ito kung magkakaroon na ng bakuna m ay sinagot niya ito ng wala pang kasiguraduhan ang naturang Sputnik-V.

FDA, Susuriing Maigi Ang Sputnik-V Kontra COVID-19 Mula Russia 4

Ani niya,

“Hindi pa po natin masabi kasi nasa Phase 3 pa lang ng clinical trials. Makikita po natin kung paano magpo-progress ito.”

Meeting ng Russian vaccine manufacturer

Sinabi din ni Vergeire na ang Department of Science and Technology ay makakausap ang Gamaleya Institute para i-discuss ang bakunang ginawa sa Russia.

FDA, Susuriing Maigi Ang Sputnik-V Kontra COVID-19 Mula Russia 5

Ani nito,

“Uumpisahan ngayong araw ang pakikipag-usap para makita natin kung ano mang meron ang bakunang ito upang mapag-aralan at makapag-bigay ng rekomendasyon sa ating Presidente.”

Samantala, ayon sa WHO, mayroong 168 candidates ng bakuna kontra COVID-19 na idini-develop worldwide. Sa mga ito, ay anim na ang umabot sa Phase 3 ng kanilang clinical trials.

Ito ay ang mga sumusunod:

  • Oxford/AstraZeneca,
  • China’s Sinovac,
  • Wuhan Institute of Biological Products/Sinopharm,
  • Beijing Institute of Biological Products/Sinopharm,
  • Moderna/NIAID and Bio N Tech/Fosun
  • Pharma/Pfizer.

Source: Philstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: