Press "Enter" to skip to content

“Fight Song” Na Alay Ng Farmers Sa Lahat Ng Frontliners,‌ Umani Nga Puri

Nagbigay pugay para sa mga frontliners sa pamamagitan ng pagalay ng sayaw sa “Fight Song” ang Yamang Bukid farmers ng Puerto Princesa, Palawan.

Pag saludo

Ang eco-tourism farm na Yamang Bukid ay nagalay ng isang makabuluhang sayaw para sa mga frontliners. Makikita sa video ang pagbibigay pugay nila sa mga nangongolekta ng basura, police, militar na nagiimplement ng quarantine guidelines, at higit sa lahat, sa medical frontliner na siyang tunay na nasa harap ng laban.

“Fight Song” Na Alay Ng Farmers Sa Lahat Ng Frontliners,‌ Umani Nga Puri 2

Isinayaw ng mga farmers ang “Fight Song” ni Rachel Platten. Ipinost nila ito sa kanilang Facebook page at umaani ito ng puri at shares mula sa netizens.

Pag abot ng tulong

Bukod sa alay na sayaw at dati nang nagaabot ng tulong ang Yamang Bukid sa mga kasama nila sa mamamayan na apektado sa virus.

Nitong Abril, nag-abot ng tulong ang Yamang Bukid sa Indigeous People sa Palawan na apektado sa lockdown. Nagdala ito ng 10,000 seedlings at tinuruan nila ang mga IP upang makapamuhay kahit sa lockdown.

“Fight Song” Na Alay Ng Farmers Sa Lahat Ng Frontliners,‌ Umani Nga Puri 3

Ang barangay Sabang sa Puerto Princesa ay nakasalalay sa turismo ang kinabubuhay. Kaya naman malaking tulong ang dala ng YB‌ na mga seedlings upang panimula nila.

“Malaking bagay po ito sa amin… ang hirap pumunta ng bayan para mamili. Malaking bagay ang inyong binigay sa amin na seedlings para makatulong sa aming mga mamayan,” sabi ng Barangay Tagabinet chair Juvylyl Bunda.

Pati farmers ay apektado

Ayon sa YB Vice President for Community Affairs, ang mga farmers katulad niya ay naaapektuhan din ng lockdown, kaya naman naiintindihan niya ang hirap ng mga IP na nawalan ng kabuhayan dahil sa pagkawala ng turismo.

“Sana makatulong ito sa lahat ng tinutulungan na communities… Thank you so much, kayo rin po ang inspirasyon namin sa mga panahon na ito,”

“Ramdam namin ‘yung mga nararamdaman ng mga magulang kapag ‘yung mga anak nila natutulog, iiyak ng gutom,”

To all our frontliners, thank you very much for your service to humankind.

The dancing farmers of Yamang Bukid Farm-Palawan are swaying their tribute to the frontliners who are braving daily to help us cope with the current health crisis.The farm’s workers are not just reliable backliners who toil each day to help feed the nation but are grateful citizens as well to their fellow Filipinos with the hopes of inspiring all to work together despite this adversity.#YamangBukid #HappyFarming #WeHealAsOne #Frontliners #Backliners

Posted by Yamang Bukid Farm – Palawan on Monday, April 27, 2020

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: