Press "Enter" to skip to content

Fish vendor, Inaresto at Nakulong Sa Navotas Dahil Walang Quarantine Pass

Kalat na kalat na sa social media ang panawagan ng netizens na mapalaya at mabigyan ng hustisya ang pagkakakulong ng isang fish vendor sa Navotas. Lubos ang pag-aalala ng isang pamilya dahil higit isang linggo nang hindi nakakauwi ang kanilang padre de pamilya.

Hustisya

Kinilala ang fish vendor bilang si Joseph “Dodong” Jimeda o mas kilala bilang “Mang Dodong.” Isa si Mang Dodong sa napakaraming violator sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine. Ang 58-anyos na fish vendor ay nakatira sa Caloocan City. Upang matustusan ang kanyang pamilya, nagpunta ito sa Navotas upang mamili ng ititindang isda. Dala nito ay quarantine pass na sumasakop lamang sa Caloocan.

Fish vendor, Inaresto at Nakulong Sa Navotas Dahil Walang Quarantine Pass 2

Sa pag-aakalang nawawala, napag-alaman na ito ay nananatili sa Navotas Sports Complex higit isang linggo na. Ang sports complex ang kasalukuyang holding facility ng lungsod para sa mga mahuhuling quarantine violators.

Tulong

Dahil sa panawagan at paghingi ng tulong nito n si Patring, napag-alaman ng pamilya ang tunay na kalagayan ni Mang Dodong. Ang pyansa nito na nagkakahalaga ng P3, 500 ay inihanda sa tulong na din ng Diocese ng Caloocan. Ngunit hindi pa riyan natapos ang problema. Nakitaan ng problema ang mga dokumento ni Mang Dodong. Ang pangalan nito na nakarehistro sa kompyuter at legal documents ay hindi match. Kaya naman nirequire ang pamilya na magpagawa ng joint affidavit na maaaring tumakbo ng ilang araw pa.

Double standard

Kasabay ng pagviral ng sitwasyon ni Mang Dodong ay ang kontrobersiya ng birthday party ni PM Gen Sinas. Sigaw ng netizens ay double standard sa hanay ng PNP. Giit ng netizens, ang mga may katayuan sa gobyerno ay malayang nakakabali ng batas. Ngunit kung ang mga maliliit at ordinaryong tao ang pag-uusapan, tila ang hirap makakuha ng hustisya. Hangad ng netizens na makuha ni Mang Dodong ang hustisya at makabalik na sa kanyang pamilya.

Sa kabilang banda, siniguro naman ni Navotas Mayor Toby Tiangco na maayos at naaalagaan ang mga violators na kasalukuyang nananatili sa Sports Complex.

Source: One News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: