Press "Enter" to skip to content

Food Delivery Rider, Na-Denggoy Na Naman Ng Isang Mapag Samantalang Scammer

Cebu City, Philippines – Isa na namang food delivery rider ang na-biktima ng mahilig mang trip na customer matapos itong umorder sa Chowking na nagkakahalaga ng P800 pesos.

Pag kansela ng inorder

Sa nag viral na larawan mula sa Pilipinas Trending Viral, kitang kita ang food panda rider na hawak-hawak sa ang mga dapat sanang idedeliver na order ng isang costumer na si Mary Paras. Ayon pa sa source ng nasabing larawan, pag dating daw umano ni Kuya rider sa lokasyon ng pag dedeliveran ng pagkain ang bigla na lamang ikinansela ang nasabing order.

Food Delivery Rider, Na-Denggoy Na Naman Ng Isang Mapag Samantalang Scammer 2

Ang katwiran daw ng customer kay Manong rider, hindi niya ito tinaggap dahil lamang sa natagalan ang pag deliver ng kaniyang order.

Pag susumamo ni Kuya rider

Bagamat nagpapaliwanang at nagmamakaawa si Kuya rider na tanggapin ni Paras ang nasabing order ngunit ito ay nag matigas lamang. Kahit na nagmamakaawa at naki-usap si Kuya na kunin na ni Paras ang kaniyang order dahil sayang daw umano ang pagkain lalong lalo na ang perang inabono ni Kuya rider.

Food Delivery Rider, Na-Denggoy Na Naman Ng Isang Mapag Samantalang Scammer 3

Dagdag pa dito ang pagod at hirap ng kalagayan ni Kuya matapos niyang ideliver at kunin ang order ni Paras sa gitna ng banta ng Covid-19.

Nag viral, biglang sorry!

Matapos mag viral ang nasabing larawan lalo na ang kaniyang pangalan, ay bigla naman nag reach out si Mary Paras sa Pilipinas Trending Viral upang mag paliwanag ng kaniyang side.

Food Delivery Rider, Na-Denggoy Na Naman Ng Isang Mapag Samantalang Scammer 4

Ani niya,

“Good Eve sa lahat ng nag comment sa food panda. Hindi ko po intensyon na mangloko ng tao higit na sa panaahong ito. Mag cocomment na lang din po ako dahil nasaktan din po ako sa sinasabi ng mga tao. Kaya nga po mag eexplain ako ng nangyari.”

Food Delivery Rider, Na-Denggoy Na Naman Ng Isang Mapag Samantalang Scammer 5

Dagdag pa niya,

“Noong una, nag order ako pero nag lo-loading po at matagal yung net at data ng app. Di ko po namalayan na na-order na po pala iyon at nadalawa na pala yung order ko. Noong dumating po yung order namin ay may tumawag ulit di ko na lang pinansin dahil dumating na yung order ko.”

Paliwanag pa ni Paras,

“Kung may mali po ako, nanghihingi po ako ng pasensya sa rider. Kinontsk ko na po siya at handa na po ako mag bayad sa kaniyang pinang abono. At nagpapasalamat din po ako sa nag post nito dahil nabigyan ng linaw ang lahat.”

Food Delivery Rider, Na-Denggoy Na Naman Ng Isang Mapag Samantalang Scammer 6

Binatikos naman ng netizen ang nasabing ginawang pang denggoy ni Mary sa food delivery rider. aMay nagpa abot ng galit at pagka dismaya dahil sa gitna ng pandemya, ay nakukuha pa ng iba na mang biktima ng kapwa. Sa ngayon, umabot na sa mahigit kumulang 74k ang share ng nasabing viral photo.

Source: Facebook – Pilipinas Trending Viral

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: