Press "Enter" to skip to content

Food Delivery Riders At Restaurant Owners Nabiktima Ng Ilang Mga Manloloko

Last updated on May 31, 2020

Manila, Philippines — Dahil nasa bahay at para maiwasang mahawa sa coronavirus disease (COVID19) napakalaking tulong ang nagagawa ng mga food delivery at restaurant ngunit gayunpaman nagiging biktima pa rin sila ng mga panloloko at mga taong walang magawa sa buhay.

Kuwento

Ayun sa kuwento ng restaurant owners na sina Sasah at Junar Santias, pasara na ang kanilang restaurant ng makatanggap sila ng order na aabot sa halagang 1,000 pesos. Pero ng malapit nasa ipinadalang address ay nakatanggap sila ng message na ipinapacancel na daw ang order.

Food Delivery Riders At Restaurant Owners Nabiktima Ng Ilang Mga Manloloko 2
Photo Credits:Gmanews

Ayun pa kay Junar na bumalik ang food rider na basa ng ulan at masama ang loob.

“Malungkot na malungkot kami noong gabi na ‘yun kasi buong araw namin kinita ‘yun,” sabi ni Junar.


Isa Pang Biktima

At nagkuwento na rin ang isa pang nabiktima na si Jamaica Dee, na mayroon ding food delivery bussiness. Nasa 3,000 pesos ang hindi nabayaran sa kanila dahil sa mga manlolokong nag-oorder. Kuwento niya, hinihingan nila ng valid ID ang mga umoorder sa kanila bilang pag-iingat.

Food Delivery Riders At Restaurant Owners Nabiktima Ng Ilang Mga Manloloko 3
Photo Credits:Gmanews

Pero ang ipinadalang ID, nakuha lang pala ng nagpanggap na kostumer sa internet. Ang food rider na si mang Romano ay inabot ng isang oras para makuha ang order at isang oras para maideliber ito pero pagdating niya sa lugar sinabi ng may-ari ng ID na wala itong inoorder.

Hinanakit

“Ako po ay 49 years old at maraming anak na binubuhay. Sana hindi na nila gawin sa iba, nakakapagod,” hinanakit ni Mang Romano. Sinabi ni Jamaica na Sinagot niya ang 3,000 na ginastos ni mang Romano.”

Food Delivery Riders At Restaurant Owners Nabiktima Ng Ilang Mga Manloloko 4
Photo Credits:Gmanews

“Kawawa po ‘yung rider kung ibabawas namin sa kaniya. Nasa three to four days kinikita ng rider ‘yon,” saad niya. Dahil sa mga nangyari binago na nila ang patakaran sa pag-order. Ginawa nilang hindi na id kundi selfie na ng nagorder. At kung aabot naman sa 2,000 ang inorder dapat magbayad online.”

Ginagamit Sa Pagbibiro

Bukod sa biglang kina-cancel ang order at nan-lolokong order meron din na ginagamit sa pagbibiro ang pagpapadeliber. Isa si Bernard Enriquez na nakatanggap ng delivery ng mga lutong manok at halo-halo para sa isang tao na hindi naman niya kasama sa bahay.

Sabi niya,

“Alam ko na scam ang delivery niya kasi may dalawa nang nauna sa kanya looking for Jane Castro. Walang nakatira dito na nagngangalang Jane Castro,” kuwento pa niya umabot sa 5,800 ang inorder. At upang matulungan ang food rider na nagdeliber ay nag-ambagan silang magkakapit-bahay. Sa awa namin doon sa driver, kasi more than one and a half hours siyang pumila sa fast food chain, nag-ambagan ‘yung mga kapitbahay dito. It’s a big loss for them. Wala dapat nanloloko.

Payo

Dahil sa mga ganitong insidente, pinayuhan ni Department of Trade and Industry undersecretary Ruth Castelo ang mga nasa e-commerce na maging maingat at gumamit ng lehitimong online payment gateways.

Paalala naman niya,

“Kailangan rin nila proteksyunan ‘yung negosyo nila.”

Source:Gmanews

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: